Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang taping: Wendell Ramos pumasok na bumbero

0 728

Naengganyo ang mga celebrity na sumali sa community service. Kung ang ibang mga aktor ay sumasali sa military para maging reservist, iba naman ang trip ni Wendell Ramos na mas ginustong mag-training para maging bumbero.

Nakapaskil sa Instagram ni Wendell ang ilang larawan na kuha sa pagsasanay niya sa grupo ng mga bumbero sa Pilipinas. Makikita sa post na nakasuot siya ng fire gear suit at sumalang sa mga exercise.

Pawisan si Wendell sa mga larawan, na nagpapakita ng hirap, dala na rin ng init na nararamamdaman sa suot niya.

“It was really an honor to train and be a certified ABP #angbumberongpilipinas but to be honest, I need to learn and experience more…it’s truly a humbling experience for me at sa inyo po lahat na mga bumbero ng Pilipinas. #saludo po ako sa inyong lahat,” sabi ni Wendell, at naka-tag sinaDingdong Dantes at Aiko Melendez.

Jinri Park todo sa halikan kay mister

Sa mata ng mga panatiko ng Korean sexy celebrity na si Jinri Park, suwerte ang napangasawa niyang Pilipino dahil isang dyosa at pamatay sa kaseksihan ang nasungkit ng lalake.

Pero kabaliktaran ito sa paningin ni Jinri, na mas pinagpala raw siya sa pagkakaroon ng asawang ganun.

Pinoste ni Jinri sa Instagram ang larawan nila habang naghahalikan.

“Happy birthday to the best husband. I love you! You say you’re lucky to have me but I’ll always be the lucky one. Hope you enjoyed the simple home cooking and night filled with Uno and mahjong. Special thanks to @chilli_philly_ and Alena for the cake. And this photo which is the only decent photo of us,” sey ni Jinri.

Melai napilitang mamigay ng mga laruan

Napagsabihan si Melai Cantiveros ng kanyang mga follower na mamigay ng mga laruan sa mga kapus-palad na bata, nang iposte niya ang video niya na nagsasayaw sa Instagram.

May gustong pausuhing sayaw si Melai, at sa pagnanais niyang gawin ito ng mga kapwa momshie niya, bilang bahagi ng promo niya sa isang brand ng vitamins para sa mga bata, nagposte nga siya nito.

Sa video ay makikita ang gabundok na mga laruan. Kaya sa halip na ang sayaw ang mapansin ng kanyang mga fan, ang mga laruan ang napuna ng mga netizen.

Hirit kay Melai, mamigay raw ito ng mga laruan. Mag-donate ng mga stuffed toy. Marami kasing mga bata ang hindi nakaranas ng mga laruan, kaya dapat daw ay magkawanggawa si Melai.

At walang nagawa si Melai kundi ang mangako na mamimigay siya ng mga laruan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.