Una sa Balita

Walang takutan!

By
0 3

Ito naman ang buwelta ng ilang senador sa banta ng Department of Finance (DOF) sa Kongreso hinggil sa posibleng pag-veto umano ng pangulo oras na hindi magustuhan ang aaprubahang Tax Reform bill na itinutulak ng kanyang pamahalaan.

Ayon kay Senate Pre­sident Pro Tempore Ralph Recto, sa halip na idaan sa takutan o banta, ang nararapat na gawin ng DOF ay makipagtulungan sa Kongreso.

“It’s always better to work with both the House and Senate than to threaten congress with a veto,” ayon kay Recto kasabay ng pagsasabing dapat alalahanin ng DOF na hindi madali magpasa ng batas ukol sa pagbubuwis at wala itong monopolya kung ano ang nakakabuti para sa bansa.

“The finance department does not have a monopoly on what is good for the country. It’s never easy to pass tax laws. The representatives of the people are more sensitive to people’s concerns,” giiit ni Recto.

Maging si Sonny Anga­ra ay naniniwalang dapat makipagtulungan ang DOF upang makabuo ng bersiyon ng panukala na tunay na magbebenepisyo ang taumbayan sa halip na magbanta ng posibleng pag-veto ng pangulo oras na hindi nito magustuhan ang aapruba­hang bersiyon ng panukala.

Paliwanag pa ng se­na­­dor, maaga pa para magbitaw ng naturang pahayag ang DOF gayong wala pang nabubuong final version ng panukala.

Kaya naman para kay Angara, sa halip na pa­ngunahan ang Kongreso ay mas nakakabuti umanong makipagtulungan ito dahil mayorya naman ng mambabatas ay seryosong tulungan ang pangulo.

Magugunitang isa sa mga tinututulan ng mga mambabatas sa Tax Reform bill ang pagbubuwis sa produktong petrolyo.