Una sa Balita

Walang takot ang sinumang nasa katotohanan

By
0 669

Ngayong Linggo ng Mabathalang Awa, nais ng Panginoon tanggalin ang anumang takot at pag-aalinlangan sa ating dibdib matapos nating mamalas ang tagumpay ni Hesu­Kristo sa kamatayan at kasalanan.

Turo ng Simbahan, maaari tayong mag-alinlangan sa ibang bagay ngunit kailanman, hindi natin maaaring pag-alinlanganan ang pag-ibig ng Diyos sa atin.

Ito ang dahilan kung bakit hindi tayo dapat magpadala sa pupular na opinyon tungkol mga bagay-bagay, o magpaanod na lang sa agos ng samu’t sa­ring paniniwala lalo’t higit napakalakas ng hatak ng politika ngayong panahon, maging sa Simbahan. Isinulat natin ang pagninilay na ito upang hikayatin ang tanan manatili at isabuhay ang katotohanan.

Matutunan sa pagbasa ng misa ngayong araw mula sa Mga Gawa ng Apostol 5:17-26 ang ibig sabihin ng tunay na ‘pagbabago’ na taglay ng mga tunay na nabubuhay sa pana­nampalataya, sa ilalim ng kapangyarihan at giya ng Espiritu Santo. Nang pumasok sa puso ng mga disipulo ang Paraklito o Espiritu na ‘Mang-aaliw’ napawi ang lahat ng takot sa kanila at nagmistula ng mga ‘bagong ninlalang’ ang tanan.

Dahil sa mga kababalaghang dulot ng kanilang pagpapatotoo kay HesuKristong muling nabuhay, naging banta sila sa Punong Sacerdoto at mga Saduceo na dahil sa takot, noon di’y ipinakulong magdamag ang mga Alagad.

Gayunman, hindi sila pinabayaan ng Diyos; nagpadala ang langit ng anghel upang palayin ang mga disipulo sa kulungan at nag-utos na bumilik ang mga ito sa Templo upang mangaral ‘tungkol sa buhay’.

Agad namang sinunod ng mga Alagad ang utos ng Panginoon, mula sa takot at kadiliman, lumabas ang mga ito kinabukasan sa liwanag, upang ipangaral ang totoong Liwanag ng mundo! Napawi ang lahat ng takot sa kanilang puso nakapagtuturo muli sa ngalan ni Hesus.

Natuto at nagsimula silang mabuhay sa Awa ng Diyos, at manatili sa bagong Buhay sa Espiritu!

Giit ng Simbahan, pareho lang naman ang ating kalagayan at kapalaran sa mga Apostoles. Tulad nila, pinalaya rin tayo ng Panginoon sa madilim na kulungan ng ating pagkamakasarili.

Tinnggap din natin ang mandato na ibahagi sa lahat kung ano talaga ang mabuhay sa poder ng Espíritu Santo. Minsan, dumaraan din tayo sa mga pagsubok, ngunit sa tulong at awa ng Diyos, hanggang ngayon nasa Kanya pa rin tayo, anuman ang pinagdaaan; nananatili tayong tapat sa misyon.

Matuto nawa tayo sa ehemplo ng pananatili sa pananalig ng mga Apostol na hindi nanghinawa kahit sa harap ng persekusyon at hirap.

Kung tayo ay mabubuhay sa pananampalataya, hindi tayo magpapadala sa anumang takot sapagkat tayo ay mga anak ng Liwanag, hindi ng kadiliman. Lubos nawa tayong magpasakop sa Espiritu, hindi sa popular na opinyon, ambisyon at lihim na motibo.

Narito sa wakas ang paanyaya ngayong araw ng Iglesia sa lahat ng mana­nampalataya: na magtika at magtiwala sa mga salita at pangako ng Panginoong HesuKristo — “to act on that trust, even if our emotions trouble us or cause us doubt.” Napakagandang pagnilayan ang aral ng Simbahan: “Whoever lives the truth comes to the light. To live the truth means to do what is true.”

Hindi raw sapat na sabihing tayo ay sumasampalataya, dapat daw manatili nang walang takot sa katotohanan, itaguyod at ipaglaban ito anuman ang kahinatnan;

sapagkat hindi kailanman natatalo ang Diyos sa laban — at the end of the day, magwawagi at magwawagi ang pag-ibig! Huling hirit ng Simbahan, para sa ating konsiderasyon: “How we live is a manifestation of what we believe. What we do speaks far more loudly than what we say.”