Una sa Balita

Walang special treatment kay Fernandez

By ,
0 142

Walang ibinibigay na special treatment sa aktor na si Mark Anthony Fernandez.

Ito ang paglilinaw kahapon ni Chief Inspector Francisco Guevarra, Jr., hepe ng Angeles City Police Station 6 kung saan nakadetine ang nasabing aktor.

Ayon kay Guevarra, bilang konsiderasyon lamang kaya ikinulong sa bakanteng selda para sa mga babaeng inmates si Fernandez pero hindi ito nanga­ngahulugan na binibigyan na ng special treatment.

Si Fernadez ay i­naresto noong Lunes ng gabi matapos mahulihan ng mahigit isang kilo ng marijuana sa kanyang kotse matapos sitahin sa checkpoint sa Angeles City, Pampanga.

Samantala, kaugnay naman sa nakipag-selfie pa sa aktor ang dalawang policewomen, sinabi ni Philippine National Police (PNP) spokesperson Sr. Supt. Dionardo Carlos na kaagad nila itong iim­bestigahan at kapag may nakitang paglabag ang dalawang policewomen ay kaagad nilang bibigyan ng kaparusahan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More