Una sa Balita

Walang solong naipatok ngayon

By
0 1,622

PITO ang karerang pag­lalabanan ngayong gabi ng Miyerkoles dito sa Santa Ana Park na nasa Naic Cavite. Pero sa pitong karera ay walang solong pamatok ang ating mga clocker at tipster.

At hanggang sa pinakahuling karera ay siguradong aabangan iyan ng mga karerista. Isang Group-8 ang nakalinya rito na sinalihan ng 12 kabayo.

Ang mga tatakbo ay sina All For Mama ni J.L. Santiago, Pax Britannica ni E.D. Camanero Jr., Winning Move ni J.W. Saulog, Rockstar Show ni J.B. Cordova, Nash And Ryan ni J.L. Lazaro;

Striker’s Symbol ni V.M. Camanero Jr., Breaking Bad ni J.B. Cordero, Ik Hou Van Jou ni C.P. Henson, Zapima ni M.A.
Alvarez, Dandelion ni E.M. Dela Cruz, Bowties And Charms ni A.S. Pare at Professor Jones ni C.V. Garganta.

Sa distansiyang 1,200 meters ang pag­lalabanan at dito ang paratingan ng lahat ng klase ng exotic bettings, winner take all, pick six, pick five at pick four.