Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang second chance ang mga bad sa PNP

0 36

Pagdating sa masamang gawain, walang second chance na maaasahan mula kay Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar! Pinatunayan ito ng PNP chief nang magkabukingan sa recruitment process ng Police Regional Office- Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) kung saan may mga aplikanteng nagsumite ng pekeng RT-PCR result.

Ang naturang mga aplikante ay hindi pala isinailalim sa anumang swab test. Nabuking na nagbayad sila ng P500 kapalit ng pekeng negatibong RT-PCR result. Akala siguro nila ay ganun-ganun lamang kadaling paikutin ang PNP recruitment sa ilalim ng pagtitimon ni PGen Eleazar. At ipinahamak sila ng kanilang maling akala dahil agad-agad “delisted” na ang kanilang mga pangalan.

Agad ngang ipinag-utos ni Philippine National Police Chief General Guillermo Eleazar ang diskuwalipikasyon ng tatlong aplikante matapos mapatunayan na batid nilang peke ang kanilang isinabmit na RT-PCR results. “I have already issued an order to delist the names of all the applicants who deliberately submitted fake RT-PCR tests in PRO-BAR. This order extends to other PROs and PNP units to do the same. We will not give a second chance for this year’s recruitment to those who would dare bastardize our recruitment process,” pahayag ni PGen Eleazar.

Naniniwala si Eleazar na kapag nakalusot ang mga ganitong uri ng aplikante ay malamang na sila ang mga uri ng pulis na may kakayahang magtanim ng ebidensya pagdating ng panahon. “Kasi kung papayagan natin na palusutin ang mga ito, it will send a very wrong message na okay lang ang kanilang ginawa. For all we know, kapag nakapasok ang mga ito ay baka ito yung mga pulis na magtatanim lang ng ebidensya dahil ngayon pa nga lang may kalokohan ng ginawa,” ani Eleazar.

“Nagbigay na ako ng instruction na yung mga aplikante na sinadyang mag-submit ng pekeng RT-PCR result ay hindi lang i-disqualify kundi kasuhan na rin. Ito yung sinasabi natin na dapat salain maigi ang mga papasok sa PNP dahil kung ngayon pa lang na gumawa na sila ng kalokohan, sigurado na magiging sakit ng ulo ito sa PNP kapag naging pulis na ang mga ito,” pahayag pa ni PGen Eleazar.

Related Posts

Bukod sa 3 diniskuwalipikang aplikante meron pang ibang nagsumite rin ng pekeng swab results pero napatunayan naman na wala silang kinalaman sa pekeng resulta dahil isinailalim sila sa swab test. Peke nga lang ang ibinigay sa kanilang resulta kaya wala silang direktang kinalaman sa pamemeke. Ang mga ito ay pinayuhang muling magpa-swab test at magsumite ng resulta sa lalong madaling panahon.

Sa ngayon, sa 66 aplikanteng naharap sa dishonesty charges sa PRO-BAR ay may 9 na nalinis at ipinasailalim muli sa swab test samantalang may 54 pang aplikante, na lahat ay mula sa Lanao del Sur, ang iniimbestigahan.

Sa pangyayaring ito, hindi lamang ang mga aplikanteng nagsumite ng pekeng resulta ang nalagot kundi damay rin kung ano mang organisasyon o kung sino mang indibidwal ang nasa likod ng pagbebenta ng mga pekeng RT-PCR at tiyak namin na hindi lamang sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR) tututok ang pagbabantay ng PNP kundi sa buong bansa. Pinaiimbestigahan na ni Eleazar pati mga tauhan ng mga medical facility na nag-isyu ng pekeng swab result.

Isang leksyon ito sa mga mahilig magpalusot. Malinaw naman at naging maaga ang mensahe ni Eleazar na aalisin niya ang padrino system sa recruitment ng kapulisan. Aalisin ang palakasan na ugat ng korapsyon. Sasalain ang mga gustong maging pulis at makakapasok lamang ang mga karapat-dapat, may integridad, may sapat na kakayahan at higit sa lahat tapat sa susumpaang tungkulin at pagseserbisyo sa bayan.

Sa ibang taong may kaibang agenda at gustong subukan si PNP Chief Gen Eleazar, sige lang. Tingnan natin kung uubra kayo. Nakita na natin na sa ilalim ng liderato ni PGen Eleazar, walang second chance para sa mga bad sa PNP.

Leave A Reply

Your email address will not be published.