Una sa Balita

Walang sakit si Duterte, magbigti na lang kayo – Palasyo

By
0 412

PINAYUHAN ng Malacañang ang mga grupong ayaw maniwala sa kondisyon ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magbigti na lamang ang mga ito.

Kasunod ito ng pahayag ng oposisyon na kaya umanong gampa­nan ni Vice President Leni Robredo ang trabaho ni Pangulong Duterte sakaling totoong may nararamdaman ito.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na abogado ang Pangulo at kung mayroon itong malubhang karamdaman ay susundin niya kung ano ang nakasaad sa Saligang Batas.

Ayon kay Roque, isasapubliko ng Pangulo ang kanyang kondisyon kapag sa tingin nito ay mayroon siyang matin­ding karamdaman.

“Well, wala naman po. Pero ang suhestiyon ko sa kanila, magbigti na lang po silang lahat dahil hindi po mangyayari ang gusto nila. Nakita ang Presidente sa Cebu, malusog, masigla at walang sakit, palabiro at ang talumpati niya ang isa sa pinakamahabang speech niya,” ani Roque.