Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang sakit! Duterte medical bulletin tinabla ng Palasyo

0 84

Ibinasura ng Malacañang ang mga panawagan na maglabas ng medical bulletin ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kanyang kondisyong pangkalusugan dahil wala umano itong sakit.

Sa harap na rin ito ng hindi mamatay-matay na tsismis na nagkaroon umano ng mild stroke ang Presidente dahil mahigit dalawang linggo na itong hindi nakikita ng publiko.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na walang sakit ang Presidente at patuloy itong nagtatrabaho sa kanyang official residence sa Bahay Pagbabago.

“Ang medical bulletin is only given when the President is sick, and he is not sick,” ani Roque.

Binigyang-katwiran din ng kalihim ang tanong kung bakit siya ang nag-aanunsiyo ng mga bagong quarantine classification sa halip na si Pangulong Duterte.

“Bakit hindi siya nag-aanunsiyo? Eh ako naman po talaga ang nag-aanunsiyo ng mga classifications mula po halos isang taon na nung ako ay bumalik, talagang ako naman po ang nag-aanunsiyo n’yan except lang kung iyong simula ng buwan coincides with the Talk to the People on a Monday, in which case isinasabay po,” dagdag ni Roque. (Aileen Taliping/Prince Golez)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.