Walang repeat ng Martial Law ni Makoy – AFP

By

Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi mangyayari sa Mindanao ang martial law noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na maraming biktima ng panghaharass at kalupitan.

Ito ang pagtitiyak ng AFP sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na paulit-ulit itong magdedeklara ng martial law kung ibabasura ng Supreme Court ang kanyang deklarasyon ng batas military sa Mindanao.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., sila mismo sa hanay ng AFP ang nangangakong hindi na mauulit ang malagim na martial law dahil wala umanong balak ang kasalukuyang administrasyon na labagin ang karapatang pantao ng mamamayan tulad ng ginawa ng rehimeng marcos noon.

“Well, definitely the President will not be referring to abuses. He may refer to the breadth and the depth of how to impose it but I guess it’s not because of the abuses,” pagtitiyak ni Padilla.

Kahit aniya umiiral ang martial law sa Mindanao ay nangingibabaw pa rin ang karapatang-pantao ng mga residente at mismong ang Commission on Human Rights (CHR) ang makakapagpatunay nito.

“You can see how the military is implementing martial law now, its complete regard for human rights and IHL and the other protocols that have been established,” wika ni Padilla sa Mindanao Hour press briefing sa Palasyo.

Binanggit pa nito na isa sa mahigpit na tagubilin sa kanila ng Pangulo ay protektahan at isalba ang buhay 

SHARE