Una sa Balita

Walang puwang ang korapsyon

0 380

Bibihira tayong humanga sa mga lokal na opisyal ng gobyerno dahil kadalasan ay pamumuna ang kanilang inaabot sa ating co­lumn.

Pero kung dapat namang purihin dahil sa mabuting ginagawa bakit natin ito pagkakaitan? Bukod pa sa makakatulong ito para maibenta ang isang lokalidad katulad na lamang ng lalawigan ng Batangas.

Ang Batangas na sinasabi ng mga ekonomista na puwedeng maging Part 2 ng Metro Manila ay nasa ilalim ng pamumuno ni Gov. Hermilando Mandanas.

Alam n’yo bang itong si Batangas Go­vernor Dodo M­andanas ay gumawa ng kasaysayan sa nakalipas na halalan matapos nitong makakuha ng mahigit isang milyong boto.

Ayon sa rekord tanging si Gov. Mandanas ang nakakuha ng mahigit isang mil­yong boto sa lahat ng mga nagwaging gobernador sa buong bansa.

Batay sa Comelec, mula sa 1,116,651 na bilang ng mga bumoto sa Batangas ay 1,078,447 dito ang nakuhang boto ni Gov. Mandanas habang ang kanyang pinakamalapit na katunggali ay nakakuha lamang ng mahigit 28,000.

Ito na ang ikalawang termino ni Mandanas bilang gobernador sa kanyang pagbalik-silbi sa Batangas. Naging gobernador at kongresista na si Mandanas nang tigatlong termino kada puwesto. Patunay na mahal na mahal ng Batangueño si Mandanas. Sabagay sa kanyang panu­nungkulan ay wala ni isang bahid ng korapsyon ang naiparatang sa kanya. Alam sa buong Batangas na ang gobernador nila ay maka-Diyos at makatao.

Related Posts

Katunayan, isa si Mandanas ng nagsulong sa pagtayo ng Montemaria Resort sa Batangas City, isang proyektong alay niya sa dakilang ina ng Panginoon- si Mama Mary. Bakasyunan ang Montemaria at doon ay maaaring magdasal ng taos-puso habang nag-eenjoy sa mga panalong pasilidad nito.

Kaya naman natin nasabing nasa antas na pagiging makatao itong si Gov. Mandanas na kailangang-kaila­ngan sa isang politiko dahil sa magandang hangarin nito sa mga kabataan.

Sa katunayan ngayong taon ay may 25,000 scholar sa mga kolehiyo na ito sa Batangas.

Paniwala ni Gov na ang batang edukado ang magtutuloy sa progreso na natatamo ng probinsya ngayo­n. Dahil sa maayos na pamamahala ay napakalaki at napa­kabilis ng asenso ng Batangas.

Palibhasa nga’y bawal ang korapsyon sa anumang hanay ng kanyang administrasyon.

Hangad natin ang tuloy-tuloy na asenso ng Batangas at ma­ging ehemplo sana ng iba pang lokalidad pagdating sa pamamahala.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy