Una sa Balita

Walang puwang ang bastos sa lipunan

0 364

Dahil isang ganap nang batas ang Safe Spaces Act o mas kilala sa tawag na ‘Bawal Bastos Act’, bawal na sa wakas ang pambabastos sa mga pampublikong lugar sa buong Pilipinas. Isa ito sa mga importanteng batas na ating itinulak sa Senado, kasama ng mga human rights advocates, upang mawakasan ang kultura ng pambabastos sa bansa.

Sa ilalim ng batas na ito, may parusa ang sinumang nambabastos sa kalsada, sa mga pampublikong lugar, sa mga eskuwelahan, at kahit sa social media. Ang Bawal Bastos Act ay nagbabago sa ating lumang batas tungkol sa sexual harassment. Hindi na limi­tado sa opisina at ibang lugar ng trabaho ang tinatawag na superior-to-subordinate relations ang pagkakaroon ng sexual harassment. Puwede nang parusahan ang mga peer-to-peer at subordinate-to-superior na mga insidente ng pambabastos.

Ang bagong batas na ito ay magsisilbing tulay upang mapunan ang kakulangan ng ating Anti-Sexual Harassment Act of 1995 na kung saan ngayon, ang mga sexual harassment at sexual violence na ginawa ng katrabaho mo (between peers), pati na ang ginawa sa mga superior officer ng isang empleyado, o ng estudyante sa kanyang guro, o ng trainee sa kanyang trainer. Ako ay nanawagan sa ating pamahalaan na ipatupad ang lahat ng probisyon ng Safe Spaces Act sa lahat ng kalye, eskuwelahan at opisina sa buong Pilipinas.

Nitong Lunes ay lumabas ang signed copy ng batas. Mabuting alamin natin ang mga isinasaad dito para maprotektahan ang ating mga sarili. Kailangan nating i-test ang batas upang malaman natin kung maayos itong ipapatupad. I-report natin ang lahat ng mga umaabuso.

Isa itong malaking tagumpay at resbak ng kababaihan at LGBTs laban sa lumalaganap na kultura ng kabastusan sa ating mga lansangan at iba pang pampublikong espasyo.

Related Posts

Ngayon, ganap nang bawal at may kalakip nang parusa ang paninipol, paninitsit, stalking, pang-iinsulto batay sa kasarian at iba pang uri ng gender-based street harassment. Bawal na po si Boy Bastos.

Nais nating linawin na ang batas na ito ay hindi ginawa upang parusahan ang ating kala­lakihan. Sa katunayan, pinoprotektahan ng batas na ito ang ating kalalakihan upang hindi sila tuluyang kainin ng kultura ng kabastusan at seksismo sa pamamagitan ng pagtitiyak ng pananagutan sa mga bastos na gawain. Malaki ang aming paniniwala na ang kalalakihan ay may malaking parte sa pagkakaroon ng isang positibong transpormas­yon sa ating bansa, lalong-lalo na sa pagsusulong ng mga karapatan sa lipunan.

Ngayong ganap na itong batas, kailangang ipatupad ito nang tama ng ating pamahalaan. Ito ay isang malinaw na mensahe sa buong mundo na hindi pinapayagan ng bansang Pilipinas ang lahat ng uri ng gender-based violence at harassment. Sa ating mga kinauukulan, ipatupad ito nang tapat, tama at walang kinikilingan. I-report ang mga sexual harassers maging sila man ay tambay sa kanto, opisyal ng gobyerno o malaking tao sa lipunan.

Sama-sama nating wakasan ang kultura ng pambabastos sa ating lipunan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy