Una sa Balita

Walang ‘Puso’ ang SBP-GILAS sa Asiad!

By
0 1,483

NAGING ma­tagumpay ang pagpalo sa idinaos na Golf Tournament sa Wack Wack Golf and Country Club, nagsilbing fund-rai­sing ng bagong tatag na Samahan ng mga Dating Basketbolista ng Pilipinas.

Ito ay sa pamumuno nila Kuya Atoy Co, Ed Cordero, Jolas, Allan Caidic, Kenneth Duremdes at iba pa. Maraming nakuhang sponsor at mga sumali sa nasabing golf tournament.

Ang malilikom na pondo ay mapupunta naman sa mga kapus-palad na dating manlalaro na nagkasakit para sa gamot na pang-maintenance na nila.

***

Nagkaroon ng wild finish ang laban sa NCAA ng Arellano Chiefs kontra San Sebastian Stags. Nauwi muna sa overtime bago na-shoot ng tubong Davao City na si Levi Dela Cruz ang winning 3-point shot. Kung puso ang hinanap mo sa manlalaro ay isa na ang batang ito.

***

At nitong nakaraang linggo, puno sa lahat ng pahayagan sa sports section ang balita na hindi sasali ang Gilas Pilipinas sa Asiad. 

Ang daming nadismaya at nalungkot. Ang tanong ng ating fans eh, kung kailan naman nagkaroon ng big time benefactor na si MVP ay doon pa tayo nagtipid. Parang tila yata paatras ang mga desisyon ng mga namumuno sa SBP ah.

Willing naman si Coach Yeng Guiao na hu­mawak ng team. Magpapahiram naman ng mga player sa PBA, so dito ata nawala ang PUSO na tinatawag natin.

Ganyan dati sa Gintong Alay noong araw kapag wala sina Lydia de Vega, Isidro del Prado, Hector Begeo, Agrifina dela Cruz, Renato Unso, Jaime Sebastian, Elma Muros, Paeng Nepomuceno ay nagiging walang kwenta ang event, walang kalatoy-latoy, konti ang manonood at walang attraction.

***

Crowd drawer ang basketball. Hindi na maganda para sa Pilipinas o kaya kahit saang lugar sa Asya kung wala ang basketball. Ang dating sa nakararami eh baduy, corny, o bading.

Kada summer nga eh o kaya sem break, ang napupuno kadalasan ay ang basketball clinic o camp.

Ang panawagan ng mga masugid na tagasubaybay ng basketball eh sana magbago pa ang desisyon ng SBP na ibalik o kaya isali sa Asian Games ang basketball.

Kinuha niyo dati sa BAP (Basketball Association of the Philippines) sa tulong ni Peping Cojuangco ang pondo dahil hirap sumali at may kakulangan ng pera. Sana’y ituloy niyo ang pangako sa mga basketball player.

Paging Sonny Barrios and company!