Una sa Balita

Walang pinipili ang mga terorista

0 316

Dear Abante:

Balik sa nakagawian. Nangidnap na naman ng mga Indonesian ang Abu Sayyaf malapit sa Sabah. Walo ang kinidnap pero tatlo rito ang pinakawalan ng grupo para na rin iparating ang nangyaring ­pangingidnap.

Nakakahiyang akuin na mga Pilipino ang mga Abu Sayyaf na gumagawa ng ganitong klasing gawain. Isa ang terorismo sa pumapatay sa turismo ng Mindanao. May malaking role tayong mamamayan para hindi na lumaki pa ang bilang ng mga teroristang tulad nila. Sa mga taong kahinahinala dapat nay an ipagbigay alam sa mga awtoridad. Ang pag-iingat at pagmamasid ay kailangan natin ugaliin dahil ang mga terorista ay walang pinipiling lahi,Pilipino ka man o dayuhan.

Lea Denrial

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More