Una sa Balita

Walang pinipili ang kawalan ng tubig

0 325

Dear Abante,
Nais kong ibahagi ang naghahalo kong mga reaksyon sa kakapusan ng tubig sa kalakhang Maynila.

Bakas sa mukha ng mga nakakasalamuha ko ang kanya-kanyang hinaing tungkol sa kakapusan ng tubig.

Marami ang naiinis at ‘yung iba ay tinanggap na lamang na wala na silang magagawa kundi makipagpatintero sa oras ng pagdating ng tubig.

Ngunit para sa akin, nagiging ‘equalizer’ ang sitwasyong ito sa lahat ng taong nakatira sa Maynila. Mayaman, mahirap, naka-condo, nasa squatters, nag-oopisina o tambay.

Lahat kailangang magtiyaga at mag-antay kung kailan magkakaroon ng sapat na supply upang ‘di sila pare-parehong mamaho.

Ayon nga sa mga tala ay ito na nga raw ang pinakamalalang problemang naranasan sa kasaysayan ng water shortage sa lungsod.

Ngunit kung titingnan ay dito rin nagtala ng isa sa pinakamalaking bahagdan sa mga lugar na nagsasayang ng tubig. Patunay na lamang na nakikita lamang ng tao ang halaga ng isang bagay kapag ito’y ipinagkakait at unti-unti nang nawawala sa kanya.

Nakakalungkot lamang na sa mga pangyayaring ito ay mga katutubong Dumagat ang kailangang magsakripis­yo.

Kinakailangang isuko ang kanilang tinubuang lupa para lamang matustusan ang kawalan ng tubig para sa mga taong kung tutuusin ay ‘di naman nagpahalaga rito nu’ng una pa lamang.

Sana ay maisip ng nakararami na ang pangyayaring ito ay dapat lamang magbukas sa ating kamalayan sa mga bagay na ating sinasayang.
Kelly ng Camandalaan

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy