Una sa Balita

Walang pensyon para sa kinakasama

0 403

Dear Atty. Claire,

Good day po Atty. Claire,

Mam hingi po sana ako ng advice, lagi ko pong sinusubaybayan ang inyong column, mam isa po akong pu­blic servant, sa PNP po, kinasal po kmi ng aking ex-wife last april 2005 po nagkaroon kami ng isang anak na lalaki, nakapasok po ako sa pagpupulis Setyembre 2005, may napundar po kmi (sakahan) ng aking ex dahil po sa loan sa PNP.

nNaghiwalay po kami mid of 2009, nag-usap po kami na bibigyan na lang ng support ang ­aking anak at nagkasundo po kami sa 7,300 kada buwan po, hanggang sa kasalukuyan po.

Tuloy-tuloy po ang separate na tseke para po sa aking anak, meron na po akong kinakasama mula 2010 up to present po mam, nagkaroon po kami ng tatlong anak, 9-anyos at kambal na 6-anyos.

Tanong ko po sana kasi 42-anyos na po ako at balak ko na pong mag-early retirement sa PNP ngayong 2025, kung may makukuha po ako sa PNP paano po ang hatiaan, ‘pag may pension po akong kada buwan hindi ko naman po tatanggalin ang binibigay ko sa anak ko sa ex wife ko po.

Maraming maraming salamat po Atty. Claire at aabangan ko po ang inyong payo para sakin,

God Bless po at More power po.

Salamat po!
Arvin

Dear Mr. Arvin,

Pension is regular payment made during a person’s retirement from an investment fund to which that person or their employer has contributed during their working life.

Ang ibig sabihin ay parte ito ng kinikita o sinusuweldo ng isang empleyado bilang contribution habang sila ay nagtatrabaho. Ito ay parte ng conjugal partnership na ibig sabihin ay parte ito ng ari-arian ng mag-asawa.

Kung nais mo itong hatiin sa pamilya mo ay 50% nito ay dapat mong ibigay sa ligal mong asawa at ang 50% ay sa iyo. Ang sabi ng Supreme Court sa kasong GSIS versus Montescarlos GR No. 146494 July 14, 2004 ay
“xxx. Considering the mandatory salary deductions from the go­vernment employee, the government pensions do not constitute mere gratuity but form part of compensation.xxx”

Ang kinikasama mo ay walang makukuha sa pension dahil wala siyang karapatan sa anumang ari-arian na naipundar mo habang kasal ka sa una mong asawa.

***

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 922 0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More