Una sa Balita

‘Walang pasok advisory’ sa FB, fake news

By
0 1,752

Binalaan kahapon ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga residente nito na mag-ingat sa mga fake news lalo na ngayong tag-ulan na maraming insidente ng kanselasyon ng klase.

Ang babala ay ginawa ng QC Public Affairs nang madiskubre ang isang pekeng Facebook (FB) account na kunwaring hawak ni QC Mayor Herbert Bautista na naglalabas ng ‘walang pasok advisory’.

Pinapayuhan ang publiko na huwag agad maniniwala sa mga ganitong post nang hindi bineberipika ang impormasyon at huwag i-accept ang friend request ng ganitong mga fake account.

Una nang nagbabala ang Department of Education (DepEd) laban sa ilang account na naglalabas nang ‘walang pasok advisory’ dahil ang kanilang official announcement ay makikita sa official website, official FB account na DepEd Philippines at Twitter page na DepEd.PH.