Una sa Balita

Walang Parks, Blackwater dapa sa Seoul SK Knights

0 280

HINDI nakalaro si Bobby Ray Parks at tumukod ang Blackwater Elite sa Seoul SK Knights 93-77 sa sigwada ng East Asia Super 12 sa Macau Martes ng hapon.

Naiwan ng 17 ang Elite pero nagawang itabla ang laro sa 46.

Sunod ay naglunsad ang Knights ng 11-1 run para muling dumistansiya ng 10 sa kalagitnaan mg third quarter.

May Achilles heel injury si Parks, wala din sa Blackwater sina Rabeh Al-Hussaini at Mike Digregorio na may trangkaso.

Mamayang 5pm sa Tap Seac Multisport Pavilion din ay muling sasabak ang Blackwater laban sa Chiba Jets ng Japan.

Namuno sa Elite ang 22 points at 22 rebounds ni Alex Stepheson sa kabila ng maagang foul trouble, napituhan agad ng tatlo sa first period. Umayuda ng 14 at 5 si Marqus Blakely, nanguna sa locals ang 12 points ni Paul Desiderio.

Humarabas si Jameel Warney ng 26 points, 14 rebounds at 8 assists sa Knights, may 18 markers at 8 boards ang isa pang American reinforcement na si Aaron Haynes.

Apat na tres ang ibinaon ni Kim Min-soo tungo sa 18 points din para sa Seoul SK. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy