Una sa Balita

Walang palakasan: Mga illegal Chinese worker ipatapon — Senado

0 620

Mariing tinutulan ng Senado ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin at hayaang makapagtrabaho ang mga illegal Chinese worker sa bansa kahit may posibilidad na maapektuhan ang halos 300K undocumented overseas Filipino worker (OFW) sa Hong Kong at iba’t ibang parte ng China.

Ayon kay Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson, walang karapatan ang ibang bansa na ipagkait ang anumang employment opportunity sa mga Pilipino at dapat din aniyang sinusunod ng lahat ng mga foreign national ang immigration laws sa lahat ng pagkakataon.

“No exception please — Chinese, Japanese, Americans, even from planet Mars. Whatever the President says, I would rather that we give premium to Filipino workers by deporting foreign nationals illegally working here, and worse, taking away scarce job opportunities from our own countrymen,” giit ni Lacson.

Sa halip na panatilihin ang mga illegal at overstaying na foreign worker sa bansa, sinabi ni Senator Joel Villanueva, chair ng Senate committee on labor and employment na dapat ay pinapaigting ng gobyerno ang batas kontra sa mga illegal foreign worker kasabay ng pagsasagawa ng mga hakbang para matulungan ang mga illegal na Pinoy worker na maging legal.

“This is a matter of enforcing our own rules and regulations, not just for the protection of jobs for Filipinos but also the protection of the rights of the workers regardless of nationality. If you are illegal, you have no right and you are not protected by laws. So the bottom line is enforcement of laws to protect workers rights and our Filipino first policy,” pahayag ni Villanueva.

“As for illegal Filipino migrants, help them become legal workers abroad. And it is the same as what we are doing here. We want legal workers,” dagdag nito.

Tulad ni Lacson at Villanueva, naniniwala rin si Senate President Vicente Sotto III at Senador Francis Kiko Pangilinan na ipa-deport na ang mgs illegal Chinese worker na mapatutunayang lumalabag sa alituntunin ng batas.
“‘Dura Lex Sed Lex (The law is harsh, but it is the law), deportation is a consequence if laws are violated by foreigners,” ani Sotto.

“The administration should not be afraid of China in the face of hundreds of thousands of their citizens working here illegally. What it should fear is the anger of millions of our people who remain jobless while we give special treatment to these Chinese illegals,” sabi ni Pa­ngilinan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy