Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang OFW na sapol ng monkeypox – OWWA

0 92

Kinumpmirma kahapon ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na wala pang nauulat na Overseas Filipino Workers (OFW) saan mang panig ng daigdig na tinamaan ng monkeypox.

Gayunman, sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na handa ang gobyerno na magbigay ng financial assistance sakaling may OFW na tatamaan ng virus.

Bukod sa ayudang pinansiyal, maaari rin aniya silang magkaloob ng livelihood at scholarship assistance sa kaanak ng mahahawaang OFW kapag nagdesisyon silang umuwi sa bansa.

Nitong Linggo, iniulat ng World Health Organization (WHO) na nagiging ‘moderate risk’ na sa global public health ang monkeypox matapos mapaulat na sumisipa na rin ang kaso nito sa ibang bansa.

Wala naman nabalitang nasasawi sa monkeypox. (Betchai Julian)

Leave A Reply

Your email address will not be published.