Una sa Balita

Walang negosasyon

0 15

Dear Sir:

Walang naganap na backdoor negotiation. Yan ang pinanindigan ni Pangulong Duterte matapos masagip sa isang special operation ang bihag na si father Suganob. Dagdag pa ng pangulo hinding hindi siya makikipag negosasyon sa mga terorista. Target ngayon isunod ng AFP ang emir ng asya na si Isnilon Hapilon at si Omar Maute na pasimuno ng digmaan sa Marawi. Ayon kay Gen Eduardo Año, hindi nila hahayaang makatakas ng buhay ang mga teroristang nag pasiklab ng digmaan at nagdulot ng pagkawasak ng Marawi. Batay rin sa mga intel reports nananatili pa rin sa battle ground ang mga terorista.

Related Posts

Nikki Pabulayan
***
Dear Editor,

Kamakalawa ay nakasagupa at napatay ng mga sundalo ang dalawang Maute-Islamic State of Iraq and Syria o ISIS na magdadala ng mga bala at armas sa mga kasamahang terorista sa loob ng war zone. Oh well, they deserve to die than to kill the innocent ones inside the war zone. Mabuting napatay na lamang sila ng sa ganun ay hindi na madagdagan ang reinforcement ng teroristang grupo na aabot na lamang sa halos 70-80 na target ng mga sundalo. Mas makabubuti rin param sa marami ang pagkakapatay sa dalawa ng sa ganun ay hindi na magkaroon pa ng panibagong armas at bala ang mga terorista at hindi na masaklolohan ang mga natitira pang terorista.
Macoy Basil

Batangas