Una sa Balita

“Walang natatago na ‘di malalantad, at walang lihim na ‘di mabubunyag”

By
0 377

Sa pagpapatuloy ng bista ng kaso ni da­ting Senador Bong Revilla sa Sandiganbayan noong nakaraang Huwebes, inamin ng naturingang whistleblower na si Benhur Luy ang kanyang pamemeke ng mga dokumento at pag-forge ng mga pirma sa iba’t ibang dokumento ng mga non-governmental organization (NGO) ng JLN Corporation.

Nang iniharap si Luy ng prosekusyon para tumestigo, ipinahayag nito kung paano niya, at ng kanyang mga kasamahan, pineke ang mga Articles of Incorporation at By-Laws ng mga NGO at kung paano niya rin pinepeke ang iba’t ibang pirma sa mga dokumentong ginamit sa PDAF scam. Ikinuwento pa nga niya ang kanyang pagpeke sa mga notaryo ng mga papeles – kung saan siya raw ang pumipirma sa mga notaryo ng isang Atty. Editha Talaboc.

Maging sa pagbuo ng mga NGO na kung kani-kaninong mga pangalan lang daw ang kanyang ginagamit nang walang pahintulot mula sa mga ito. Isang halimbawa na kanyang ibinigay ang Social Development Prog­ram for Farmers Foundation, Inc. kung saan mga pangalan daw ng kanyang mga classmate ang kanyang ginamit.

Sa pag-uusisa ng mga Justice ng First Division, naging kapansin-pansin daw ang pagdududa sa mga bahagi ng testimonya ni Luy na dumidiin sa iba. Ayon sa ilang nasa loob ng courtroom, ‘tila kasi parang praktisado at mukhang naturuan ang testigo pag dating sa pagnguso nito sa ibang tao. Hanggang sa kaliitang detalye daw kasi ng mga naganap dekada na ang lumipas ay malinaw na malinaw pa nitong naikukuwento.

Ayon pa nga raw sa isang Justice, “You must have a very good memory; this happened 14 years ago but surprisingly remember every single detail.” Pag-oobserba pa raw ng Korte, “You (Luy) recognize the stroke of someone signing someone else’s signature done 14 years ago?”

Kapansin-pansin din ang naging butas sa testimonya ng sinasabing whistleblower nang ipagmalaki nito ang umano’y papel niya sa pagbuo ng People’s Social Development Foundation, Inc., isang NGO, na “para gamiting daluyan ng mga pondo ng gobyerno.” Nakita kasi na ang nasabing NGO ay binuo noong taong 1990, samantalang 2002 lamang, o matapos 12 taon, naging konektado sa JLN si Luy.

Mahigit 4 na taon nang nakapiit si dating Senador Bong. Matapos ang pagkahaba-habang panahon, naaaninagan na ng katotohanan ang mga matagal na nating alam na kasinungalingan. Nag-uumpisa ang pag-ahon mula sa bangin kung saan siya itinapon.

Justice delayed is justice denied. Sana, sa mga patuloy na rebelasyong nagaganap, mas mapadali na ang pagkamit ng tunay na hustisya.