Una sa Balita

Walang masama sa pagiging mas maingat

0 334

Dear Abante:

Magandang araw po, nakakabahala na ang nangyayaring krimen lalo na ang serye ng pagdukot daw na nagaganap ngayon. Matagal nang kumalat ang mga post at kuwento tungkol sa pag-kidnap na ito.

Pero noong nakaraan nga lang ay lumabas ang actual video na nagpakita ng naganap na pagkuha sa isang babae sa Makati.

Sana naman mas higpitan pa ng mga awtoridad ang kanilang pagbabantay sa mga mamamayan.

Lalong-lalo na ang kabataan at mga estudyante na walang kalaban-laban sa mga masasamang loob na ito. Gumawa nawa rin sila ng hakbang para mapuksa ang mga ganitong hakbang.

At para sa mga nagpapakalat ang mga maling impormasyon hinggil rito, ‘yung mga sumasakay at mahilig makiuso sa issue tantanan na ang pagpapakat ng ganitong impormasyon para lang makakuha ng likes at share, maging responsable kayo dahil paano kung totoo na pala ang mga nangyari, hindi na maniniwala ang mga tao.

Maging mapagmatyag din tayong lahat, walang masama kung magiging mas extra maingat tayo para sa kaligtasan ng sarili at ng pamilya.
Hydes ng Taguig City

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More