Una sa Balita

Walang malubhang sakit si Digong

0 315

Dear sir/ma’am,

Nagtataka lang ako sa mga nagpapakalat ng mga bali-balita na naka-confine sa hospital si Pangulong Duterte. Bakit naman kailangan pa nilang ipangalandakan pa ‘yun, eh ipinakita na nga kahapon na hawak niya ‘yung isang broadsheet at kasama si Bong Go.

Hindi ko alam kung anong mapapala nu’ng nagpapakalat ng maling balita na ‘yan? Mapapababa ba nila sa puwesto ang pangulo pag sinabi nila na may sakit at nakaratay sa banig ng karamdaman? Mapapababa ba nila ang rating ng Pangulo ‘pag sinabi nilang hirap ito sa kalusugan?

Kung hindi naman ang sagot…bakit kailangan pa nilang ulit-ulitin na may sakit at mahina si Pangulong Duterte?

Bakit ‘di na lamang mag-move forward ang lahat mula sa katatapos na eleksyon? Naniniwala kasi ako na bahagi lang ito ng demolition job nila sa Pangulo. Wala namang pag-uugatan ang issue na ‘to kung hahayaan na lamang na mag-move on at tanggapin ang resulta ng eleksyon. Sana kung matapang sila na magkalat ng maling balita sana matapang din silang humarap sa katotohanan na pumili na ang majority ng mga Pinoy.

Panahon na para magtrabaho at mag-focus sa pagpapabuti ng buhay ng bawat isang Pilipino. Tigilan na sana ang mga siraan at pambabatikos. Sawa na ang mga tao sa mga walang basehan na argumento.

Regine Agapay
Las Piñas

Magkomento sa mga isyu ng bayan. Para sa inyong saloobin, mag-email sa abantetonite@gmail.com upang maipaabot sa mga kinauukulan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy