Una sa Balita

Walang magugutom sa lockdown – Duterte

0 690

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na makakarating sa 18 milyong pamilya ang tulong ng gobyerno sa panahon ng enhanced community quarantine bunsod ng coronavirus outbreak.

“Gagawin ko lahat para walang magutom,” wika ng Pangulo sa televised public address noong Lunes nang gabi.

Aniya, naglaan na siya ng P200 bilyon para maipamahagi sa mahihirap na pamilya.

Sila ay makakatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 financial assistance sa loob ng dalawang buwan.

Ang natitirang P75 bilyon sa ilalim ng Bayanihan to Heal as One law(Republic Act 11469) ay gagamitin naman sa “health-related initiatives and other services.”

Nagbabala naman ang Pangulo sa mga taong mangangasiwa sa pamimigay ng tulong pinansiyal na huwag kurakutin ang pondo dahil ipakukulong niya ang mga ito hanggang sa matapos ang lockdown.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More