Una sa Balita

‘Walang kupas si Maricel!’ — Mother Lily

By
0 2,254

Maglilibot si Mother Lily sa Imperial Hotel niya sa Taal, Batangas at bibisitahin ang mga baka niya sa Tagaytay ngayong Holy Week. Of course, kasama rin sa panata niya ngayong Mahal na Araw ang bumisita sa siyam na simbahan para magdasal.

Pagmamalaki ng Regal matriarch nang tumawag kahapon, nanganak uli ng tatlo ang kanyang alagang baka, huh!

Eh kumusta naman ang pagbabalik ni Maricel Soriano sa Regal sa pelikulang My 2 Mommies?

Abante Hiring – IT dep

“I am very happy that Maricel is back with Regal. Wala pa rin siyang kupas pagdating sa comedy,” saad ni Mother.

Sa panig naman ng anak na si Roselle Monteverde, patuloy ang acting workshops ng millennial Regal Babies ngayong summer. Sa mga nag-workshops, isa rito ang volleyball player na si John Vic de Guzman na wala nang urungan ang pagpasok sa pag-arte. Huling napanood ang volleyball player sa pelikulang Seklusyon.

Ang iba pang Regal Babies na sumailalim sa acting workshops ay sina Jenny Artea, Fiona Yang, Cherise Castro, JM Martinez, Drew Magbag, Kaki Ramirez, Miggy Marty at JayR Ramos.

Samantala sa coming Regal movie na So Connected nina Janella Salvador at Jameson Blake, may sarili nang social media page ang character ni Panti-Panty na bahagi ng movie.

Taki vs Barbie sa Elehiya

Makikipagbanggaan ang young actress na si Taki Sato sa mas experienced na si Barbie Forteza sa Black Saturday special ng APT Entertainment, ang Elehiya.

For a change, isang drama horror ang kuwento ng Lenten offering ng APT Entertainment taliwas sa una nilang ginawa na heavy drama ang kuwento.

Natuwa naman si Taki dahil inalalayan niya si Barbie sa iyakang eksena. Isang fake seer ang role ni Barbie habang nakababatang kapatid niya si Taki na may tinatawag na third eye.