Una sa Balita

Walang kinatatakutan ang mga fixer sa LTO

0 661

Minsan na nating nasulat ang problema sa mga nag­lipanang fixer sa Land Transportation Office (LTO) diyan sa Quirino Highway sa Quezon City.

In fairness sa presintong nakakasakop sa lugar ay kumilos naman sila. Inaresto ang ilang pasaway na mga fixer.

Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit walang power itong LTO na pabantayan ang kanilang bisinidad laban sa mga fixer.

Aba’y ginawa ng mga pulis ang pag-aresto baka naman gusto ninyong kumilos at bumuo pa ng task force para bingwitin ang pasaway na mga fixer diyan na masakit talaga sa mata.

Sila rin kasi ang dahilan ng matinding trapiko sa lugar dahil nagkalat sila at agawan sa mga sasakyang magpaparehistro.

Wish ko lang ay maubos na sila para wala nang kakalat-kalat diyan sa Quirino Highway.
***
Kung dati ay shabu ang problema, nag-level up na ang mga masasamang elemento dahil ang mamahaling iligal na droga na tulad ng cocaine ang literal nga­yong bumabaha.
Sa loob lamang ng Pebrero ay ilang beses nang nakabingwit ang kababayan nating mangingisda ng bloke-blokeng cocaine sa Camarines Norte, Quezon at pinakahuli sa Surigao nitong nagdaang weekend kung saan lumutang naman ang 34 bloke ng cocaine na nagkakahalaga ng 230 milyong piso.

Pero hindi ito nanga­ngahulugan na nag-shift na sa cocaine ang mga masasamang loob dahil talamak pa rin ang problema sa shabu. May dalawang Intsik nga ang nahulihan ng P275 milyong halaga sa Dasmariñas, Cavite. Andiyan din ang problema sa mga designer drug tulad ng ecstasy kung saan isang 19-anyos na nur­sing student na mula sa maykayang pamilya sa Cebu ang na-overdose. Aminin man natin o hindi, kitang-kita naman na hindi pa tapos ang laban sa droga.

Sabi nga ni Gen. Bato dela Rosa, kailangang magkaisa ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at buong sambayanan sa paglaban sa droga. Naniniwala rin si Bato na makakatulong ang pagbuhay sa death penalty para may katakutan naman ang mga sindikato sa droga.  

Kung tamang ibalik ang bitay o hindi, ibang usapan ‘yan. Pero ang malinaw, kailangan ng gobyerno ang katulong para labanan ang salot ng lipunan. Kaya naman pagdating sa Mayo, mag-isip-isip din tayo ng tamang iboboto!

***
Lamang sa malamang na makukuha ni incumbent Mayor Lani Cayetano ang landslide victory sa Mayo.

Ito ay batay na rin sa Pulse Asia survey na isinagawa mula Janua­ry 20 hanggang 26, 2019. Nasa 81 percent ng mga rehistradong botante ang pumabor kay Ca­yetano kumpara sa 11 percent lamang ng katunggali nito na si Che Che Gonzales.

Kung pagbabatayan ang track record ni Ma­yor Lani pagdating sa panalo, hindi na nakakapagtaka ang naturang survey result. Si Mayor Lani ay nagwagi sa ma­yoralty race noong 2010 kontra kay Dante Tinga, ama ng dating Mayor Freddie Tinga. Noong 2013, wagi muli si Mayor Lani kontra kay Rica Ti­nga na anak din ni Dante Tinga at tatlong taon ang nakalipas ay wagi muli si Mayor Lani—wala na siyang nakalaban.

At dahil takot na ang mga kalaban, kandarapa sila ngayon hindi para talunin si Mayor Lani kundi para i-disqualify ito. ‘Pag wala ka na ngang paraan para manalo, peti-petis­yon din ‘pag may time. Alam na this!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy