Una sa Balita

Walang kasunduan kaya walang bisa ang hinihinging interes

0 392

Good day po atty claire, May problema po ako ngayon with regarding sa utang 5-6 ang verbal na usapan tutubo kada 10 days ngayon po hindi ko na mabayaran sa laki ng intrest at tumagal na. Ngayon ay  ipina-barangay na po ako at may nagpuntahan na daw sa bahay kailangan daw pumunta ako o mrs ko, Ano po ba magandang gawin dun at nasa labas po ako ngayon.

Sa sobrang laki ng sinisingil hindi ko na kayang ibigay ang gusto nyang makuha,kasi sa 50k na nahiram ko kada 10 days tutubo ng 10k umabot na po ilang buwan ano po ba magandang gawin ko dun? Ano po pwedeng mangyari kung di kami makapunta sa barangay ni Mrs? Wala naman po akong pi­nirmahan at di register sa sec.

Attorney claire sana po mabasa nyo at mapansin ang message ko at mabigyan ako ng advice.hindi na rin magaganda mga sinasabi nya at kaya naisipan ko na ring mag-email sa inyo.
Salamat po,
Tony

Tony,
Ang sabi mo ay wala ka namang pinirmahan na kasunduan sa utangan. Ibig sabihin ay wala rin kayong kasulatan na dapat kang magbayad ng interes.  Dahil sa wala kayong kasulatan tungkol sa interes ay wala siyang karapatan na maningil sa iyo ng interes. Tama na bayaran mo na lamang siya sa utang mo sa principal amount.

Sa kasong Rolando Dela Paz versus L & J Development Co, GR No. 183360, September 8, 2014 ay kinundina ang hindi makataong interes na ipinapataw ng nagpapautang. Sinabi ng Supreme Court na: “It has been ruled in a plethora of cases that stipulated inte­rest rates of 3% per month and higher, are excessive, iniquitous, unconscionable and exorbitant. Such stipulations are void for being contrary to morals, if not against the law. The Court, however, stresses that these rates shall be invalidated and shall be reduced only in cases where the terms of the loans are open-ended, and where the interest rates are applied for an indefinite period.”

Ang pagpataw ng sob­rang taas na interes sa utang ay hindi pinapayagan ng batas at ng korte.  Ang anumang interes na hindi makatao at napakataas ay pinapawalang bisa ng korte.

Maliban dito ay luma­labas na wala ka­yong kasulatan tungkol sa interes kaya’t hindi ka obligado na bayaran ang 10% kada 10 araw. Sinabi ng Supreme Court sa nasabing kaso na “Respondent. Under Article 1956 of the Civil Code, no inte­rest shall bedue unless it has been expressly stipulated in writing. Jurisprudence on the matter also holds that for interest to be due and payable, two conditions must concur: a) express stipulation for the payment of inte­rest; and b) the agreement to pay interest is reduced in writing”.

Kaya huwag matakot na pumunta sa barangay dahil maaari ninyong sabihin na wala na ka­yong utang dahil bayad na ang principal. Tandaan na huwag basta pipirma sa anumang kasunduan sa barangay kung hindi ninyo naiintindihan lalo pa ay wala na kayong obligasyon pa na magbayad sa sinasabing interes.

     Kung may katanu­ngan pa ay mag-email lamang sa attorneyclaire@gmail.com o tumawag sa 4107624/ 9220245.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy