Una sa Balita

Walang kasalang naganap

0 368

Dear Atty. Claire,
Question po regar­ding sa friend ko kinasal po siya noong mga 17 years old pa lang siya.

Hindi po nila na-register ang kasal nila at wala pong marriage certificate o license. Nagloko po asawa niya at sumama sa kapwa babae, puwede po ba siya magpakasal ulit?

Salamat po,
Jeric

Dear Jeric,
Medyo naguguluhan ako sa kuwento mo dahil nakikita ko na hindi naman talaga sila nagpa­kasal ng ligal. Sabi mo ay nagpakasal sila at walang marriage license. Kung walang marriage license ay hindi dapat nakasal ang dalawa maliban lamang kung nagsama na sila bilang mag-asawa ng 5 taon bago nagpakasal. Ayon kasi sa ating batas ay maaaring magpakasal ang dalawa na walang impediment (ibig sabihin ay walang hadlang sa pagpapakasal o walang asawa) kahit walang marriage license kung sila ay nagsama na sa loob ng 5 taon bago magpakasal.

Related Posts

Ang sabi mo ay hindi nila napare­histro ang kasal pero wala naman silang marriage certificate. Kung wala naman talagang marriage certificate ay tunay na walang mapaparehistro. Ngunit dapat tandaan na kahit hindi napare­histro sa NSO (PSA) ay mananati­ling kasal kung may ibang ebidensiya ng pagpapakasal tulad ng lit­rato o video habang kinakasal. Maaari kasing ipa-late re­gister ang kasal kung tunay na naganap.

Sa aking palagay ay wala namang naging kasalan na naganap dahil lahat ng mahahala­gang dokumento na dapat mayroon ang dalawa bago ikasal ay wala, tulad ng marriage license at marriage certificate. At dahil wala naman­ tunay na kasalan na naganap… walang rehistro sa NSO, masasabi ko na maaari siyang magpakasal. Bago naman din makasal ang kaibigan mo ay mayroon silang application for marriage license at CENOMAR (Certificate of No Marriage). Kapag siya ay nabigyan ng Local Civil Registrar ay wala ng hadlang pa sa kaniyang planong pagpapakasal.

Pero kung lumabas sa record na siya ay kasal, dapat na ipawalang-bisa niya ang kasal dahil sa menor-de-edad pa siya noong ikinasal at walang marriage license.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy