Una sa Balita

Walang karapatang magmana

By
0 148

Dear Atty. Claire,

Nais ko po sana ikunsulta sa inyo ang isyu tungkol po sa lupa na iniwan ng aming lolo’t lola sa tuhod.

Ang aking lola ay may anak na lalaki (Teryo) sa pagkadalaga bago pa sila maging mag-asawa ng aking lolo sa tuhod. Kasal sila ng aking lolo. Nagkaron po sila ng isang anak din na lalaki (Carding) na siyang ama nang aking nanay…

Sumakabilang buhay na po ang aking mga lolo’t lola sa tuhod…

Nauna pong namatay ang lola ko 3 taon po nakalipas ay namatay na din po ang lolo ko…

Yumao na din po ang kapatid sa ina ng aking lolo na si Teryo at mas nauna pa sa lola ko. Ang tanging nabubuhay na lang po ay magulang ng aking nanay na si lolo carding…

May mga anak po ang kapatid ng aking lolo Teryo na pawang mga naninirahan na sa estados unidos.

Ngayon po ang mga anak po ng kapatid ng aking lolo teryo ay gusto pong mangyari ay mahati ang lote sa kalahating parte…

Sa ating batas po ay  pano po ba ang tamang hatian ng legitimate at illegitimate child?

Ang titulo ay nakapa­ngalan pa din po ang aking mag-asawang lolo Rading at lola Lina. sana po ay matulungan ninyo kami… dahil kasalukuyan na po kaming ginigipit at pinaaalis kmi sa tinatayuan ng aming bahay ng mga anak ni lolo teryo sana po ay matulungan nyo po kami…

Salamat po.

— George

George,

Lumalabas na ang mga anak ng kapatid ng Lolo Teryo mo ay walang karapatang magmana dahil hindi naman sila konektado sa Lola Lina mo. Isa lamang ang anak niya sa pagkadalaga at ito ay si Teryo. Si Teryo ay may ibang mga kapatid (half siblings) sa ibang nanay kaya’t hindi sila maaaring humingi ng parte lalo pa at naunang namatay si Teryo sa nanay.

Kung nagkataon na naunang namatay si Lola Lina at naiwan niya si Teryo na isa sa mga tagapagmana ay magkakaroon ng pagkakataon na manahin ng mga tagapagmana ni Teryo ang share niya mula sa kanyang ina bilang isang illegitimate child.

Ang hati ng isang illegitimate child ay hindi kapareho ng isang legitimate child. Kalahati lamang ng isang buo na share ang makukuha ng isang illegitimate child. At sa kasong ito ay makakakuha lamang ng kalahati ng kabuoang value ng isang legitimate child sa parte ng nanay niya. Kung ang property ay may halagang P2,000,000.00, ang parte ni lola lina ay P1,000,000 lamang. Kung ang isang lehitimong anak ay may share na P500,000; ang isang illegitimate child ay magkakaroon ng P250,000.00.

Kaya’t hindi tama na sabihin ng mga kapatid ni Teryo na kalahati ang sa kanila.. Wala silang makukuha dahil sa wala pang mana si Teryo nang ito ay mamatay at hindi sila konektado o walang relasyon kay Lola Lina.

***

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy