Una sa Balita

Walang karahasan sa eleksyon – SPD

0 147

IPINAGMALAKI kahapon ng Southern Police District (SPD) na sa labing dalawang oras na ginanap na midterm election kamakalawa sa buong bansa ay walang anumang insidente ng karahasan na naitala o namonitor.

Ayon kay SPD Director, Police Brigadier Ge-neral Elisio Cruz, generally peaceful o tahimik pangkalahatan ang mga lungsod ng Makati, Pasa­y, Paranaque, Las Piñas, Taguig, Muntinlupa at sa bayan ng Pateros.

Sinabi ni Cruz, wala na rin silang naitalang vote buying at vote selling habang nagaganap kamakalawa ang halalan 2019.

Maliban lamang aniya noong disperas ng eleksiyon ay nasa 60 katao ang nadakip sa Makati at 17 naman sa Muntinlupa City.

Aniya, mayroong mga report silang natanggap na insidente ng vote buying, ngunit pag nirespundihan na ng mga pulis ay negati-bo naman ang resulta.

Sinabi pa ng opisyal sa kasagsagan ng botohan, isang malaking restaurant sa Roxas Blvd ang kanilang binantayan makaraang makatanggap ng impormasyon na may magaganap na vote b­uying at vote selling, ngunit sa kalaunan ay negative naman ang resulta.

Bukod sa tahimik ang kapaligiran, naibserba-han din ng opisyal na malinis sa mga polyetos o election paraphernalia ang mga eskwelahan o mga polling center na kanilang inikutan, tulad ng Makati at Muntinlupa at iba pang lugar.

Pinasalamatan naman ni Police Brigadier General Cruz, ang buong kapulisan ng SPD sa naging mapayapang naganap na Midterm Election. (Armida D. Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy