Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Walang K sa biritan’ Catriona dedma sa mga nanlait sa boses niya

0 18

Aminado si Miss Universe 2018 Catriona Gray na kailangan niyang patunayan ang pagiging isang mahusay na singer sa industriya kahit pa hindi siya isang biritera.

“My style of singing has never been a birit queen. I’ve never been a belter. That’s not my style,” sabi ni Catriona sa panayam sa kanya ng “MYXclusive” YouTube channel.

Kinuwento kasi ni Catriona kung paano nagsimula ang interes niya sa musika at kung kailan niya napagtanto na nakakakanta siya. In fairness naman kasi sa boses niya, makapal at masarap pakinggan.

“Music has been with me throughout my childhood but never with the vision of “oh, I wanna be a singer.” Because to be honest, I couldn’t belt and I still am not a great belter. I always thought that was what you needed to be a singer. When you watch singing shows on TV and they’re like belting, I just had a perception that I can’t do that. Hindi ko kaya ‘yun,” sabi niya.

Wala ring kaabog-abog ang pag-amin ni Catriona na nakuha niya ang oportunidad na makapag-record ng mga kanta dahil sa pagkakapanalo niya ng Miss Universe. Dahil dito, mas may pressure sa kanya na ipakita na kaya rin niyang sumabak sa larangan ng singing.

“I feel pressured to prove myself in this arena because I know that I’ve been given a lot of opportunities because I’m a Miss Universe and because I have that kind of following.”

Kaya kahit may mga taong pinagdududahan ang kakayahan niyang kumanta, dedma lang siya.

“I really do have music in my heart and I really want to pursue it in a proper way as an artist and not just ‘a beauty queen who was given the opportunity to sing.’ That’s why I’m so meticulous with everything that I do, I’m a bit of a perfectionist.

“I need to earn my place here, I need to earn the title of being a singer and an artist. That’s a challenge that I put on myself, which is great because it makes me push myself.”

Proud na nga si Catriona dahil tumulong siya sa pagsusulat ng lyrics para sa latest single at sariling bersyon niya ng “R.Y.F.” Inilabas na ito ng Star Music at napapakinggan na sa iba’t ibang digital music platforms. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.