Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang iwanan! 40 artista pipirma sa ABS-CBN

0 131

Bongga pa rin ang Star Magic! Marami pa ring loyal na Kapamilya ang walang planong layasan sila.

Katunayan, mahigit sa 40 na bituin ang pipirma sa ABS-CBN sa gaganaping Star Magic Black Pen Day ngayong Sabado (June 19) sa pagpapatuloy ng adhikain ng kompanya na linangin at ibida ang talento ng Pilipino, at suportahan ang industriya ng showbiz sa bansa.

Mapapanood ang Star Magic Black Pen Day simula 4 pm sa Star Magic Facebook page at YouTube channel, ABS-CBN Entertainment at TFC Facebook pages, iWantTFC, at TFC IPTV. Kasama sa makasaysayang contract signing event na ito ang mga idolo ng hinaharap at kasalukuyang panahon.

Kabilang sa pipirma sina John Arcilla, Sandino Martin, Marc Solis, Angeline Quinto. Pasok din ang mga bagong mukha na sina Kaila Estrada, Arabella Davao, Mary Joy Apostol, Zabel Lamberth, Rans Rifol, Vance Larena, Maureen Wrob, Paolo Gumabao, Luis Vera-Perez, Sela, Migo Manikan, Vitto Neri, at Jake Ejercito, na mapanood sa “Marry Me, Marry You.”

Mula sa RISE Artists Studio, pipirma rin ng kontrata sina Gigi De Lana, Zach Castaneda, Shanaia Gomez, Karina Bautista, Aljon Mendoza, Jayda Avanzado, JC Alcantara.

Makakasama rin ang mga artista mula sa mga katuwang na talent agency tulad nina Alyssa Muhlach, Kiko Estrada ng ALV Events International. Krystle, Lara Maigue, Moira Lacambra, Aikee, Poppert Bernadas, Gian Magdangal, Davey Langit, Anthony Barion ng ATEAM (Alcasid Total Entertainment & Artist Management, Inc).

Hindi rin pahuhuli sina Sab at Recio ng Star Music, Janine Berdin, Sheena Belarmino, JM Yosures, at iDolls ng Polaris, Ashley Del Mundo, Tan Roncal, Kiara Takahashi, Richard Juan, Lou Yanong, Kobie Brown, at Andi Abaya ng Star Hunt sa pagiging parte ng Star Magic family.

Mismong ang Star Magic head at ABS-CBN entertainment production head na si Laurenti Dyogi ang sasalubong sa kanila ngayong weekend, kung saan mangyayari na rin ang pagsasanib-pwersa ng lahat ng management groups sa ABS-CBN sa ilalim ng Star Magic.

Kabilang ang Star Hunt Management ni Raymund Dizon na siyang gumagabay sa karera ng mga dating “Pinoy Big Brother” housemates pati na rin BGYO at BINI; ang Polaris Artists sa ilalim ni Reily Santiago na nangangalaga sa mga produkto ng Kapamilya talent contests tulad ng “Tawag ng Tanghalan”; RISE Artists Studio sa pangunguna nina Mico Del Rosario at Olivia Lamasan ng ABS-CBN Films; at ABS-CBN Music sa ilalim nina Jonathan Manalo at Roxy Liquigan.

Isa pang aabangan sa event ang panunumpa ng mga artista ng Star Magic Credo, kung saan ipapangako nila na kanilang paghuhusayan sa bawat pagganap, patuloy na hahasain ang kanilang sining, at panghahawakan ang mabuting mga katangian sa kanilang paglilingkod sa manonood. Magkakaroon din ng mga sorpresang pagtatanghal at iba pang anunsyo. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.