Una sa Balita

Walang humanitarian crisis sa Cotabato

0 255

HINDI umano totoong may humantarian crisis sa Cotabato sa gitna ng nilikhang pinsala ng serye ng malalakas na paglindol sa Mindanao nitong nagdaang linggo.

Ito ang sinabi ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino kasunod nang mga ulat na ilang mga residente ng mga lugar na tinamaan ng lindol ang pumapara sa mga kalsada at nanghihingi ng tulong sa mga nagdaang motorista.

“I was there the whole day (Sunday). What was shown was people with posters asking for food items along the Highway of Makailala are those who never went to evacuation center to re­gister,” reaksiyon ni Tolentino.

Aniya, nakakarating naman umano ang tulong mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) gayundin sa tanggapan ni North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza sa mga residente naapektuhan ng lindol.

“The regional DSWD is on top of the situation and Gov. Emmylou Tali­ño-Mendoza,” dagdag pa nito.

Paniwala naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, posibleng may nagsasamantala sa nangyari kahit na hindi naman nasira ang kanilang tahanan bunsod ng malakas na lindol sa Mindanao.

“Hindi naman siguro crisis meron din pong mga taong nagsasamantala, ‘yan ang balita ko sa ground. Na ‘di sila napinsala walang nangyari sa tahanan nila pero pumupunta sila sa highway at humihingi ng tulong,” ani Zubiri. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy