Una sa Balita

Walang Gilas

0 342

NAGLULUKSA ngayon ang buong sambayanan sa sinapit ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup 2019 sa China.

Kahit sa anong sports page o social media mo basahin, walang patid na sisihan ang mababasa natin tungkol sa ating National team.

Ang titindi ng mga nakalaban ng Gilas, nakalaban nila ang Italy, Serbia at Angola sa group stage at Tunisia at Iran naman sa classification round.

Ang nangingibabaw sa pagkatalo ng ating mahal na koponan ay ang walang gilas sa paglalaro.

Napakadali tayong sumuko kapag hindi pumapasok ang mga three points natin.

Walang humaharang kapag merong duma-drive papuntang basket.

Wala sa kondisyon ang ating import na si Andray Blatche. Puna ng ating mga miron, may kalakihan ang tiyan at hindi at par ang performance kung ihahambing mo sa ibang superstar ng mga kalaban.

Sa ating Gilas Pilipinas, meron tayong mga manlalaro na nagbuwis-buhay o gustong patunayan sa ating mga kababayan.

Kay coach Yeng Guiao na nagbigay sa kanila ng malaking break, ito ay walang iba kundi sina CJ Perez at Robert Bolick.

Outstanding ang laro ng dalawa, everytime sila papasok sa game siguradong may mangyayari sa loob ng court. It’s either titira sila sa three points (na malamang ay pasok) o ‘di kaya sasalaksak.

Itong mga bagong Gilas boys ay mga ‘energy guys’ ni coach Yeng, ma-hassle, kahit nagkaroon ng lapses, go lang sila, full of positivism ang aura ng bagong Gilas boys.

Mabuhay kayo at sana makahawa kayo sa mga inyong kasama para sa susunod ay maging matagumpay na tayo.

Sa hiling ng ating kababayan!

***

Ang kadalasang tanong nitong nakaraaang araw ay ano’ng mga hakbang ang gagawin para bumalik ulit tayo sa dating magandang estado ng Pilipinas sa World Cup.

Simulan ng maaga at suriin maigi ang pagpili sa mga future Gilas, bigyan ng sapat na sweldo ang mga batang manlalaro para hindi muna ito mag-PBA, limitahan muna ang papasok sa PBA drafting, kung hindi ka pa nakakapagsilbi sa National team hindi ka pwede muna mag-PBA.

Isali ang Gilas sa isang conference sa PBA habang ito ay under training.

Pinaka-importante sa pagtubo nang ating manlalaro ay ang exposure sa international tournaments o pagsali sa mga pocket tournament na kasama na ang ating resident import.

At ang higit sa lahat ang financial support na magtutustos sa ating team.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy