Una sa Balita

Walang gana ang asawa ko sa sex (3)

0 744

Dear Dra Holmes,
Walang sexual urge ang asawa ko.

Hindi naman sya gay. He admits na it’s his mind who’s not in sync with wanting it.

He still finds me sexy. Hindi sya nagkukulang sa other things.

When we were da­ting pa, I don’t mind kaso married na kami. Kinokondisyon nya utak nya na he wants to make love to his wife, pero madaling mawala.

Di po natin maaalis yung need for physical intimacy, right? Lahat na po ginawa ko. Sya naman po naffrustrate pero hindi nya magawa yun.
Jocelyn

Dear Jocelyn:
Maraming salamat sa sulat mo. Sinabi ko na mayroong mga pahiwatig na asexuality ang orientation ng asawa mo. Tama, hindi siya gay dahil wala siyang intensyong maki­pagsiping sa kapwa lala­ki (homosexual), at para rin magsiping sa babae(heterosexual). Sapat na sa kaniya ang maging maalalahanin at maalaga sa iyo, halikan at lambingin ka, pero walang sex. Dahil ang asexuality naman ay walang balak o interes makipagsiping sa kahit sino man.

Sinabi mo rin na kinokondisyon ng asawa mo ang utak niyang makipagsiping sa iyo, pero nawawala. ‘Yan ay dahil hindi ito sang-ayon sa kaniyang sexual orientation. Kahit na mahal ka niya, dahil (kung) asexual siya, wala siyang pagnanasa para sa iyo.

Hindi ito personal, kagaya ng hindi perso­nal na ang isang bading ay walang pagnanasa sa iyo. Ang masakit lang ay dahil ito ay hindi random lang na tao, dahil siya ay asawa mo.

Totoo na lahat tayo ay may pangangaila­ngang pisikal. Ang sa iyo ay ang pangangailangan ng pagtatalik para masagot ang iyong panga­ngailangang pisikal. Dahil (kung) ase­xual siya, ang kaniyang pangangailangang pisikal ay nasasagot (satisfied) sa paglalambing, paghahalik sa iyo.

Walang tama o mali sa inyo, dearest Joce­lyn. Sana makausap mo ang asawa mo, lalo na tungkol sa asexua­lity, at tanungin mo sa kaniya kung sa palagay niya, asexual siya. Kung sumang-ayon (agree) siya, sana ay maka­hanap kayo ng paraan para masagot mo ang iyong pagnanasang pisikal, pero nakakaunawa rin sa kaniyang sexual orientation. Kung kaila­ngan ninyo ng tulong rito, sana sulatan ninyo ulit ako. Ingat—MG Holmes

Si Dra Holmes­ ay nagsusulat sa Abante 3X a week. Sulatan siya sa Facebook ni Dr Margarita Holmes http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin rin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite Facebook.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy