Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang face mask sa Pateros bayad ng P2K

0 410

Kulong ng 12 oras o multang P2,000. Ito ang pagpipiliang parusa ng mga mahuhuling pasaway na hindi magsusuot ng face shield sa labas ng kanilang mga bahay sa Pateros.

Ayon kay Pateros Mayor Miguel Ponce, dapat sumunod ang kanilang mga residente kung ayaw nilang makulong at gumastos ng multa.

Gayunman, idiniin ng alkalde na sa unang beses na paglabag lang ito ipatutupad dahil mas mabigat na parusa ang naghihintay sa mga violator ‘pag iniulit pa nila ang pagiging pasaway.

Pero ayun sa alkale, sa unang paglabag lang umano ito gagawin dahil kapag naulit ito’y sasampahan na umano ang indibidwal na lumabag ng kasong disobedience.

Layon aniya ng hakbang na mapag-ingat ang mga taga-Pateros laban sa pagkalat ng COVID-19 sa kanilang lungsod. (Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.