Una sa Balita

Walang dapat bayaran ang munisipyo sa inokupa ninyong lupa

By
0 434

Dear Atty. Claire,

Heto po ang situation ng lupa namin:

1. Meron po ka­ming Temporary Permit mula sa dating Mayor  noong 1986 para ma-occupy ang nasabing lote na kinatitirikan ng a­ming bahay sa condition na ‘pag kinailangan na ng munisipyo ang natu­rang lote ay kami ay aalis at i-transfer ang aming tirahan elsewhere.
Ang lupa ay ari po ng munisipyo ng bayan namin sa Bataan.

2. No compensation would occur to either party for rental and/or any incidental expenses whatsoever.

Sa ngayon ay na-deve­lop na po ang lote na ito na isa nang subdivision at na-subdevide na rin po, at nasukatan na at meron nang TCT ang aming lote na 131 sq. meter at meron na pong nagmamay-ari na private na sa ngayon po ay pinapabayaran sa amin ng 5K per sq. meter at naghe-hearing po kami sa Municipal Court.

Ang tanong ko po ay meron po ba ka­ming karapatan na mapasa­amin ang lote dahil 20 years na po kaming nakatira sa lote na ito?

Ano po ang dapat na­ming gawin, ­attorney Claire?

Gumagalang,

Miguel

 

Miguel,

Aminado ka na ang lupa ay hindi mo pag-aari at ang pag-okupa ninyo sa lupa ay dahil lamang sa magandang loob ng Mayor noong 1986. Sinabi mo rin na wala kayong babayarang anumang renta kaya’t wala rin namang dapat na bayaran sa inyo ang munisipyo kapag ikaw ay kanilang pinaalis sa lugar para gamitin nila.

Sa loob ng 30-taon mula 1986 ay sapat na marahil ang ibi­nigay na tolerance para makatira nang libre.  Mula nang ito ay mai­salin na sa iba ay dapat lamang na lisanin mo na ang lugar dahil sa iyan ang kasunduan ninyo – na ­aalis kayo kapag kinaila­ngan na ang lupa.

Hindi mapapa-saiyo ang lupa kahit na matagal kang tumira diyan dahil ta­nging mga indibidwal na tumira sa lupa na wala pang nagmamay-ari (pero nadeklarang alienable at dispo­sable)  sa loob ng 10-taon kung in good faith at 30 years naman sa mga hindi in good faith lamang ito. Dahil sa simula ay alam mo na mayroong may-ari nito (munisip­yo) kaya’t ‘di ito sakop ng batas na ito.  

Ang magandang gawin ay makiusap ka sa may-ari na hayaan kang umalis at makuha ang mga gamit at materyales na ginamit sa pagpapatayo ng bahay.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy