Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Walang brownout sa eleksiyon, kinuwestiyon

0 42

Hindi kumbinsido ang isang kongresista sa pahayag ng Department of Energy (DOE) na hindi magkakaroon ng brownout sa araw ng halalan sa susunod na taon.

Ayon kay House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, habang maganda sa pandinig ang mga sinasabi ng DOE mukhang hindi kumpleto ang kanilang ipinakitang datos sa isinagawang deliberasyon ng House committee on appropriations.

Sa pagdinig ng komite, sinabi ng DOE na sa linggo bago, pagkatapos at sa mismong araw ng halalan ay mayroong reserbang kuryente na hindi bababa sa 1,500 megawatts. Nangangahulugan umano na walang yellow o red alert dahil maraming sobrang kuryente.

Ipinunto naman ni Zarate na hindi isinama ng DOE sa kanilang forecast ang posibleng pagkakaroon ng outage o pagkasira ng mga planta lalo pa na tag-init ang araw ng halalan kung kailan maraming gumagamit ng kuryente. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.