Una sa Balita

Wala sa bokabularyo na maging sweet (2)

By
0 183

Dear Dra Holmes: (shortened version of Sept. 21 letter):

Just call me Rebecca, 41, married 8 years and with 2 kids. My husband and I were both OFW here in Saudi.

Before marriage, wala akong gaanong alam tungkol sa mga ex nya.

My husband is not a sweet type. Kung ire-rate ko siya sa kontexto ng pagiging sweet, 0 ang ibibigay ko sa kanya. Wala yata talaga sa bokabularyo n’ya ‘yun at nasanay na din ako.

We just met each other through a co worker, text and call. And after 6 mos lang, we went home and got married. Nu’ng una aminado ako na hindi ko siya mahal though he’s that kind of a man na madaling mahalin.

Eventually, I loved him. In 2015, I discovered he’s communicating with 1 of his ex girlfriends. We fought, but he assured me it was nothing. I believed him, deleted the account he created (for his flirting purposes).

It took me months bago nabalik naman ang trust ko sa kanya. Last month, I disco­vered that he had a new account again.

I asked for the password, hindi n’ya binigay. Binalewala ko ‘yun. I discovered that one of his FB friends in that account is his ex, the same ex that he was communicating with 2 yrs ago. I know that he’s not having an affair with her now, somehow may doubt na ‘ko sa kanya.

Minahal nga ba talaga n’ya ko ng totoo? Though he respects me. Kapag ba may respeto sayo ang asawa mo mahal ka na? Masakit lang kasi dra. Mahal pa kaya niya ‘yung ex n’ya? Sana po ay mapayuhan n’yo ako.

***

Dear Rebecca:

Maraming salamat sa sulat mo. Ang plano ko ay sagutin muna ang iyong mga tanong, tapos, bigyan kita ng payo, ok?

At least, susubukan ko na masagot ka ng tama at de­retso. Kaso lang, wala akong basehan para sagutin ang iyong mga tanong.

Ang alam ko lang tungkol sa sitwasyon ninyo ng asawa mo ay ang sulat na ito. Dahil dito, masasagot lang kita sa makakayanan ko, ok?

1. Minahal nga ba talaga niya ko ng totoo?
Hindi ko alam, Rebecca. Ang kanyang kilos ay parang nakakaduda, ‘di ba?

2. Kapag ba may res­peto sayo ang asawa mo mahal ka na?

Sa aking karanasan bilang sex and marriage counselor, ang res­peto para sa isang asawa ay hindi garantisado na mahal ka niya.

3. Mahal pa kaya n’ya ‘yung ex n’ya?

Ikinalulungkot ko na, again, ang aking­ sagot ay kailangang maging “hindi ko alam.” FINAL INSTALLMENT ON THURSDAY

Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/dr­margieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes