WALANG BOLAHAN: Paraphilia (9)

By

Dear Dra. Holmes

Ask ko lang po kung bakit until now nahihi­lig po akong mag-sniff ng mga panty ng mga girls specially ‘yung mga gamit na. Pero, Doc, kahit labada na ok pa rin. Nag-umpisa po ito sa mga teenage years ko.

Minsan nga po naabutan ako ng may-ari ng panty na inaamoy ko ‘yun eh hindi naman po nagagalit, awa po ng Diyos. Akala ko magagalit.

Isa po akong janitor sa condo, kaya madalas nakakakita ako ng mga panty ng mga babae sa sampayan na nasa laundry cage. ‘Yun po ang dahilan kaya inaamoy ko na-attract po kasi ako sa mga sexy panty ng mga girls. Pero kahit medyo may edad na ang babae, ok pa po ‘yun sa akin, basta babae po ang may-ari nun.

May problema po ba ako sa isip about sa ginagawa kong pag-sniff ng mga panty ng girls sa paligid ko? Ang hindi ko lang po inaamoy ang sa pamilya ko kasi ayaw ko nu’ng ganu’n. Ang mga gusto ko po ay ‘yung sa ibang girls.

May problem po ba ako psychologically sa mga ginagawa ko na ito? Nag-start po ako nu’ng mga 12 pa po ako nun. Ngayon po ay 33 na ako ganu’n pa po ang aking gusto.

Ano po masasabi niyo dun, Doctor Margie? Please answer my question? Thanks po. I’ll wait po sa anwer niyo. Thanks po again, Doc. Margie……..ROGER

Dear Roger:

Maraming salamat sa sulat mo. Ang iyong nilalarawan ay isang ka­tegoryang mga aksyong sekswal. Ang tinatawag rito sa Ingles ay “paraphilia”. Humihingi ako ng pasensya sa iyo dahil wala ata tayong katumbas na salita sa Filipino/Tagalog. Naghanap ako sa internet at nagtanong sa iilang tao — mga sikolohistang katu­lad ko at mga psychiatrists — pero wala rin silang naisip na salitang katumbas dito.

Dahil dito, ipapaliwanag ko na lang dito ang salitang ito, ok?


Kailangan kong gawin ito dahil ang iyong ginagawa ay tila paraphilia nga.

Sinasabi kong “tila” dahil mayroon pa akong bahagi tungkol sa sitwasyon mo na hindi pa ako klaro, pero maiintindihan mo rin ito habang nagpapaliwanag ako:

Ang paraphilia ay ang pagkagusto ng isang gawaing sekswal na hindi gusto ng karamihang tao. TO BE CONTINUED

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes.


1
2
3
4
5
6
7
8
9
SHARE