Una sa Balita

Normal ba ang pangangailangan sa sex? (4)

By
0 55

Dear Dr Margie: (shortened version of Sept 8 letter)

I am Ethel, 53 yrs. old, single, no children.

My brother in law, an OFW in Saudi for 6 yrs. now, has a personal problem. He comes home every two years. His problem is about his sexual desire when he needs it and wants to but he is far from his wife. Sometimes he talks about it to me.

He says he can be assured that I understand. How can I understand when I have never been into the sex activity and he wants to show his genital through picture but I refuse to see it? His wife doesn’t know he talks about it to me and told me that he will resort to masturbation just to release his sexual desire.

Dr. Margie, please help me. What will I tell him? I don’t want to tell his wife/my sister that he confided to me to refrain trouble though I told him to talk to his wife.

Dear Ethel:

Maraming salamat sa iyong sulat na una nating pinublish ng buo noong nakaraang Biyernes, Septyembre 8. Sa hu­ling kolum nating noong naaraang Lunes, Sept­yembre 11, sinabi ko sa iyo na “Ang pag-amin (kuno) sa iyo tungkol sa kanyang buhay sekswal ay foul sa kaniyang asawa, ang iyong kapatid. Ang pagka-amin ng mga madadaming emosyong sekswal sa isang tao ay isang imbitasyon maging malapit silang dalawa at hindi lamang bilang kaibigan.’

Tinanong ko sa iyo: “Magagawa mo ba ‘yan sa kapatid mo, Ethel?”

Mayroon rin akong isa pang tanong sa iyo, Ethel: “Anong klaseng asawa naman itong si Bobby, na kaya niyang taksilan ang kaniyang asawa sa ganitong paraan??? Ang dami-daming ibang babae ang maaari niyang lapitan para aminin ang kanyang buhay sekswal, at ikaw pa ang kaniyang pinili!!”

Dahil sa mga dahilang nabigay ko sa iyo, ang aking payo ay aminin kay Bobby na, nang una niyang sinabi sa iyo ang tungkol sa buhay niyang sekswal, nabigla ka at ang una mong likas na ugali (instinct) ay makinig. ‘Yan ay dahil gusto mong tulungan si Bobby at ang iyong kapatid.

Pero ngayon natanto mo na hindi ikaw ang kailangang kausapin ni Bobby. Kailangan niyang kausapin ang kaniyang asawa. FINAL INSTALLMENT ON MONDAY

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Sulatan at i-LIKE siya sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes