Una sa Balita

WALANG BOLAHAN: My bf is a married man (Last Part)

By
0 14

Dear Dra. Holmes: (shortened May 20 letter)

My bf is married, 55 and has a happy family. I am 26, grew up without a Dad. I don’t get along with my mom.

We’ve been together for 10 years. He is not obliged to leave his family or give me money. We are very happy together and I have mastered the art of hiding our relationship. We don’t go out together, no pictures or any evidences. I am content on what the little time and attention that he can offer.

I cheated, got std, infected him and he infected his wife. He was so mad, but forgave me. I thought, wow! He loved me that much. He became very strict, even bought a house for me near him. My viber has location so he can check on me anytime.

We fought about his not giving me attention when I was sick. He said he lost feelings with me, that he didn’t leave me because of sex, because I was the best in bed. I felt humiliated. But still there’s this “At least He won’t leave me” in my head. Please help me win him back. — Nina

Dear Nina:

Maraming salamat sa sulat mo, na pinublish natin ng buo noong nakaraang Biyernes, Mayo 20. Sa huling kolum natin noong nakaraang Biyernes, Hunyo 10, sinabi ko na, kahit na ngayon, hindi mo matanggap na iniwanan ka at kahit na sinabi sa iyong BF mo na wala na siyang feelings para sa iyo at ang kama lang ang dahilan na ikaw ay naging gf niya, gusto mo pang magkabalikan kayo gaya ng dati.

Hindi ito tatanggapin ng isang babaeng iba ang kinalakihan sa iyo. Hindi lang siya maghahabol kung magbe-break na sila, siya pa ang unang makikipag-break sa isang lalakeng ininsulto siya kagaya ng pag-insulto sa iyo ng dating BF mo.

But all is not lost, dea­rest Nina. Sana, ngayon na alam mo bakit hindi mo mabitawan ang da­ting partner mo, matututo kang tingnan ang relasyon ninyo for what it is: Isang lalakeng may asawa na ginamit kang bilang kabit na wala siyang balak magpakasal at ikaw, na nagmahalsa kanya dahil akala mo mahal ka rin niya.

Ngayon na alam mo ang mga dahilan nahulog ang loob mo sa isang may asawa, maaari mong iwasan ang mga lalakeng katulad niya.

Kahit mahirap paniwalaan ngayon, at 26, makakahanap ka rin ng isang lalakeng buong pusong magmamahal sa iyo, Nina: Isang lalakeng hindi ka gagamitin lang at hindi mo gagawing substitute ng lahat ng mga magulang mo.

Sana sulatan mo na naman ako kung mayroon pa akong maipaglilingkod sa iyo. Nandito lang ako, para sa iyo. Ingat — MG Holmes

***

Si Dra. Holmes ay nagsusulat sa Abante tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, at sa Abante TONITE tuwing Martes at Huwebes. Sulatan siya sa kanyang website www.margaritaholmes.com. I-LIKE mo rin siya Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes o sundan sa Twitter: http://twitter.com/drmargieholmes