Una sa Balita

Walang August 20 release order kay Sanchez – Palasyo

0 373

HINDI kumbinsido ang Malacañang sa pahayag ng pamilya ni convicted murderer at rapist Antonio Sanchez na pirmado na ang release order nito noon pang August 20 subalit naunsiyami dahil pini­gilan ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na tsismis lang ang release order dahil itinanggi ito ng pamunuan ng Bureau of Corrections.

Malinaw aniya ang nakasaad sa Republic Act 10592 na hindi kasama sa mga palalayain ang nakagawa ng karumal-dumal na krimen kagaya ng kaso ni Sanchez.

“Siguro tsismis na lang ‘yang mga release order. Kasi ang talagang facts diyan is, lahat ng mga inmate na mako-cover siguro pino-process nila, sigu­ro somebody said na nandun ‘yung pangalan ni Sanchez,” ani Panelo.

Mali aniya ang interpretasyon ng ibang abogadong nagbibigay ng kanilang ligal na opinyon kaya dapat na basahing mabuti ang nabanggit na batas.

Sinabi ni Panelo na wala nang dapat pag-usapan dahil talagang disqualified si Sanchez na makinabang sa nabanggit na batas.

Nauna rito ay inamin ni Sanchez at ng miyembro ng kanyang pamilya na pirmado na ang kanyang release order at lalaya na sana ang dating Calauan, Laguna mayor noong Agosto 20, pero naudlot nang ipatigil ito ni Pangulong Duterte bunga ng pag-alma ng mga tao. (Aileen Taliping)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More