Una sa Balita

Walang atrasan sa rice tariffication – DOF

0 343

HINDI na aatrasan ng administrasyong Duterte ang Rice Tariffication Law (RTL) na dinadaing ng mil­yong-milyong magsasaka sa bansa.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, patuloy na isusulong ng administrasyon ang RTL dahil ito raw ang pinakamainam na paraan sa pagsulong ng agrikultura ng bansa.

“There is no inclination to repeal, revise or suspend the Rice Tarrification Law. We are confident that this is the best means to move our agriculture forward and foster competitiveness,” sabi ni Dominguez.

Matagal nang nananawagan ang mga magsasaka na patawan ng karagdagang taripa ang imported rice dahil binaha na nito ang merkado na kinalulugi na ng mga magsasaka.

Hiniling ng Federation of Free Farmers ang safeguard measure na hindi namang kailangang ituring na pag-atras sa rice tariffication dahil pinapayagan naman ito ng World Trade Organization.

Inupuan na ng Department of Agriculture ang pag-aaral sa pagpataw ng safeguard measures at kinampihan na rin ni Agriculture Secretary William Dar ang RTL na tinuturing niyang “win-win” para sa mga rice farmer.

Ayon kay Dar, may masamang epekto ang rice tarrification sa ilang sektor, lalo na sa mga magsasakang walang kakayanang lumaban sa merkado pero panandalian lang daw ito. Karamihan sa mga magsasaka sa Pilipinas ay walang kakayanang lumaban sa merkado kaya nga sila nalulubog sa utang. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy