Una sa Balita

Wala sanang maiiwan sa pag-unlad!

0 333

Dear Abante:

Nakakatuwang malaman na over-all champion tayo sa SEA Games 2019 subalit sa kabilang banda nakakagalit na marami pa lang mga katutubong Aeta at magsasaka na sapilitang pinalayas para lamang magawa ang mga imprastraktura sa ginanap na SEA Games. Makatarungan ba ito? Pag-unlad ba itong maituturing?

Habang ang mga kapwa natin Pilipino ay nawalan ng tahanan at kabuhayan para lamang sa mga imprastraktura na hindi naman talag mga Pilipino ang tunay na makikinabang. Gusto natin ng pag-unlad subalit sana naman walang maiiwan sa pag-unlad na ating inaasam.

Dapat na ginalang ng mga negosyanteng ito at ng pamahalaan ang karapatan ng mga katutubong Aeta sa kanilang lupang ninuno. Higit na nararapat na maprotektahan ang kanilang pamumuhay, kultura, at tahanan. Sapagkat sa mga katutubong ito maiuugat ang ating pagkakakilanlan ng ating lipi.

Kidlat Ang

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy