Una sa Balita

Wala sana madisgrasya kina Pacquiao, Thurman

0 369

Sa edad na 40-anyos, retirado na at nag-eenjoy na lang sa buhay ang ilang kasabayan o naging karibal ni Manny Pacquiao sa ibabaw ng ­boxing ring.

Iba talaga si Senator Manny, sabi niya nga eh, kalabaw lang ang tumatanda.

Sa darating na Linggo, Hulyo 21 sa atin, July 20 sa Amerika sa Las Vegas, Nevada ay susubukan ng ating Pambansang Kamao at tanging eight-division champion na busalan ang bibig ng madadang si Keith Thurman, na hawak ang ‘super’ welterweight crown ng WBA.

Kung pagmamasdan ang pisikal na estado ni Sir Manny, aba’y higit na mas matindi pa siya sa ilang mas batang atleta sa kanya.

Patunay nito ang mga nagdaang laban niya, mukhang nakainom ng pampabatang gayuma ang ating Pinoy ring legend.

Sana lang, manalo ka at maiwasang may madisgrasya pareho kayo ni Thurman.
Good luck po senator!

***

Excited na ang inyong lingkod sa pagbubukas ng 2019-2020 NBA season. Bakit naman hindi? Aba’y ang dati nang Wild Wild West ay lalo pang naging wild sa pagtatambalan ng mga malulupit na superstar.

Una na nga riyan ang pares nina LeBron James at Anthony Davis sa Los Angeles Lakers.

Ang pagsasanib-puwersa nina Kawhi Leonard at Paul George sa Los Angeles Clippers.

Nariyan din ang reunion ng dalawang former MVP na sina Russell Westbrook at James Harden sa Houston.

Hindi rin puwedeng isantabi si two-time MVP Stephen Curry na habang hinihintay bandang Pebrero si Klay Thompson ay tatambal muna sa umuusbong nang All-Star na si D’Angelo Russell sa Golden State Warriors.
Oh ‘di ba? Kumpletos rekados na. Sa West pa lang iyan mga ka-Abante.

Sa East, andiyan pa rin si reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee na inaasahang babawi sa defending champions Toronto Raptors, na iniwan na nga ni Leonard para sa Clippers.

Sa Miami, magsisimula ng panibago si Jimmy Butler habang sa Philadelphia ay tambalan pa rin sina Joel Embiid at Ben Simmons.

Babalikatin muna ni Kyrie Irving ang Brooklyn habang pahinga ng isang season ang bagong partner niya na si former MVP Kevin Durant.

Kapag hindi ka pa naman na-excite sa paparating na NBA season ka-Abante, ewan ko na lang.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy