Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Wala sa timing ang buwis sa online selling

0 399

Magandang araw sa lahat nang mambabasa ng Abante at Tonite at belated Happy father’s day na rin sa lahat kabilang na ang aking ama na si Chuck Mathay, sa tatay ng aking only child na si Mandy na si Bulakan, Bulacan Vice Mayor Patrick Meneses at sa lahat ng mga kapatid kong tatay na, sa mga tatay ng mga anak ng mga kapatid ko.

Anyway, nitong nakaraang mga linggo napag-usapan at naging paksa ng argument ang tungkol sa pagpataw ng buwis o tax sa mga online sellers o resellers.

Sa aking paniniwala, mga negosyanteng nagbebenta ng kanilang mga paninda sa online o sa social media ang target.

Unang-una, bilang isang matagal na ring negosyante matagal nang pinapatawan ng tax ang mga online businesses na gaya nang sa akin.

Siyempre, pag nag-apply ka ng business name sa DTI, kukuha ka rin ng BIR para makapag-operate ka ng legal sa negosyong bubuksan mo.

Yung aking business na Hazelberry Café (resto & bake shop) may online rin for orders, sa mga gustong mag-avail ng mga products namin thru our contact details sa aming social media accounts.

Yung skin care, hair products namin na Ara’s Secret’s at make-up line namin meron rin kaming website nyan.

Your email address will not be published.