Una sa Balita

Wala sa last will and testament

0 811

Dear Atty. Claire,
Namatay po ang kapatid ko na walang anak ngunit mayroon siyang isang pala­king bata. Hindi niya ito inampon ng pormal ngunit binago lamang ang birth certificate nito at ipinangalan sa kanya. Alam namin ang tunay na magulang ng bata dahil pamangkin namin ito. May dati rin siyang birth certificate at nag-late registration lamang para mabago ang apelyido nito. May mga ari-arian  na naiwan ang kapatid ko at gusto namin na humabol. May karapatan po ba kami lalo pa at wala siyang naiwang last will and testament?
Gumagalang,
Carmen

Dear Carmen,
Hindi kayo nag- iisa sa ganyang sitwasyon dahil karamihan sa mga kababayan natin imbes na gawing ligal ang pag-aampon ay dinadaan lamang paggawa ng simulates birth certificate.

Dahil sa hindi dumaan sa korte at walang anumang desisyon na magsasabi na inampon ng ligal ang bata ay wala itong makukuha dahil hindi siya maituturing na compulsory heir.

At  dahil sa walang compulsory heir ang namatay ay tiyak na magmamana ng kanyang naiwang ari-arian ay ang collateral relatives. Kabilang sa colla­teral relatives ay ang mga kapatid. 

Kung mayroon kayo na pruweba na ang bata ay hindi anak ng inyong ka­patid at hindi formal na inampon ayon sa isinasaad ng batas ay kayong mga kapatid ang siyang magmamana. 

Kung magkagayon man, sana lamang ay hindi rin ninyo mapabayaan ang kapakanan ng bata na pinalaki ng inyong kapatid bilang anak-anakan niya lalo pa kung ito ay menor de edad na kailangan pa  ng wastong panga­ngalaga.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa (02) 410-7624 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy