Una sa Balita

‘Wala sa akin ang problema!’ — Gabby

Sa naudlot na movie kay Sharon

By
0 3,994

Nakasama namin noong Sabado sina Marian Rivera, Gabby Concepcion, Mark Bautista, Christian Bautista, Jason Dy, Jona at ang nakakatawang tambalan nina Ate Gay at Regina, para sa Teachers’ Tribute ng Gabay Guro sa Agusan del Norte na ginanap sa Butuan City.

Masaya ang naturang grupo at talaga namang umapaw ang mga anik-anik na tsika, na siyempre ‘off the record’ ang ilan bilang ‘aware’ naman ang mga celebrities na naroroon ang inyong lingkod na siyang nagsilbing program host ng event.

Nakilala namin ang magandang governor ng Agusan del Norte na si Gov. Angel Amante Matba, ang noon ay lagi naming naririnig sa mga panayam kay Pangulong Digong Du­terte na naging girlfriend niya at pinangarap niyang maging asawa, hahaha!

Napakaganda nga naman ni Gov. Angel Matba, whose husband is the Go­vernor naman ng Tawi-Tawi. Akala nga namin ay isa siyang beauty queen dahil maganda ang height nito, seksi, maamo ang mukha at napakaganda ng mga mata plus napakahusay pang magsalita.

She is also very sweet at kahit aminado itong out of touch sa showbiz news, relate na relate naman siya sa mga chikahan ng mga celebrity na sobra ring nagpasalamat sa kabaitan niya at mga tao nila sa Agusan.

Tuwang-tuwa ang lahat ng mga teacher sa buong probinsya at wala yatang production number na hindi nila kinakiligan, pinalakpakan at hiniyawan nang bongga!

Sa pamumuno ng mahal naming si Madam Chaye Cabal-Revilla at mga core team member ng Gabay Guro, marami na namang pinasaya ang naturang activity sa Mindanao.

Congrats po sa ating lahat at mabuhay!

And to give a sample nang puwede naming isulat o i-share sa inyo na chikahan namin nina Gabby et al, heto ang sagot ni Gabby sa naging panulat natin dito last week.

“To clarify lang ha, wala talaga sa akin ang problema. Ever since, I am very open and cooperative sa sinasabing reunion movie project na iyan (with Sharon Cuenta). It’s just that our producer has laid out some items na nu’ng sinang-ayunan ko ay hindi pala raw gusto ni Sharon,” sey ng beteranong aktor na in na in pa rin ang pagpapakilig sa mga teacher noong Sabado.

Isa nga diumano rito ang naging usapan sa ‘billing’ kung saan hindi yata sinang-ayunan ni Sharon na mauna ang name ng estranged husband dahil feeling nga raw ni Sha­wie na siya pa rin ang nagdadala ng tandem nila sa mga panahong ito.

Then Gabby mentioned about the legacy they want to give their supporters and most especially to their daughter KC.

Parte nga ng legacy na sinasabi ni Gabby ay may kaugnayan sa ‘conjugal earning’ na puwede nilang i-share sa anak at ipamana if ever mang kumita nang bongga ang project.

‘Yun na!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More