Una sa Balita

Wala pang kuryente sa Leyte

By ,
0 8

Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Leyte.

Ito ay sa kadahilanang hindi pa rin mapatakbo ang dalawang geothermal power plant sa naturang probinsya na lubos na naapektuhan ng magnitude 6.5 na lindol noong nakalipas na linggo.

Sa impormasyon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), nagsimula na silang mag-inspeksyon sa dalawang geothermal plant sa Leyte at magsasagawa na rin ng pagkukumpumi kung kinakailangan.

Aminado ang NGCP na konektado ng masamang lagay ng panahon partikular ng malakas na ulan ang kanilang operasyon.

Ang nasabing mga planta ang nagsusuplay ng nasa 557 megawatt sa Visayan Electric Company sa kanilang mga consumer.

Samantala, tumataginting na P300 million hanggang kalahating bilyon ang nawawala araw-araw sa Region 8 matapos masira nang tuluyan ang 4 na transformer ng NGCP nang magkaroon ng magnitude 5.6 na aftershock noong Lunes na naging dahilan para mabalam ang pag-restore sa nasabing rehiyon.

Sa press conference nina Eastern Samar Rep. Ben Evardone at Samar Rep. Edgar Sarmiento, kapwa nanawagan ang mga ito sa national government na isailalim na sa State of Calamity ang buong Region 8.

“Nababahala po kami sa region, unang-una pagda­ting sa kuryente,” ani Evardone dahil hindi natuloy ang pagbabalik ng kuryente noong Hulyo 9 o tatlong araw matapos yanigin ng 6.5 magnitude na lindol ang Leyte.

Nagkaroon na umano ng test na kumuha ng supply sa Cebu papasok sa Samar at Leyte kaya malaki ang pag-asang maibalik na ang kuryente.